Lyceum bumawi sa JRU

NARESBAKAN ng guest team Lyceum of the Philippines University Pirates ang Jose Rizal University Heavy Bombers nitong Biyernes, Agosto 26, upang manatili sa solo fourth spot sa 87th NCAA seniors basketball competition sa The Arena sa San Juan.

Tangan ng Pirates ang 5-5 win-loss slate matapos nilang payukuin ang Heavy Bombers, 71-65.
Gumawa ng double-double si Chris Cayabyab sa kanyang 19 points at 11 rebounds upang makaganti sa 74-68 pagpapasabog sa kanila ng JRU sa pagsasara ng first round.

“Ang mind set namin is back to zero dahil kami ang underdog dito.” sabi ni Pirates assistant coach Chris Brower na siyang humalili sa namaos na si head coach Bonnie Tan.

Nag-ambag si Onofre Napiza ng 12 puntos at nine rebounds habang siyam na markers ang nasalpak ni guard Shane Ko para sa LPU.

Sumama ang JRU sa Arellano U Chiefs at Emilio Aguinaldo College Generals para sa three-way tie sa 3-7 record.

Samantala, nakabawi rin ang host school Perpetual Help Altas matapos silatin ang pinapaborang College of Saint Benilde Blazers, 63-57.

Umangat sa 2-9 panalo-talo karta ang Altas habang natamo ng Blazers ang ikalawang sunod na talo sa second round eliminations kaya naman mayroon na silang 4-7 baraha. Elech Dawa

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply