Maagang pagboto ng media practitioners OK na sa Kamara

APRUBADO na sa pinal at ikatlong pagbasa sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang panukalang batas para sa maagang pagboto ng mga kwalipikadong miyembro ng media upang makaboto muna bago gampanan ang pagkober ng eleksyon.

Nakasaad sa House Bill 4241 na inakda nina Marikina 1st District Rep. Marcelino Teodoro at Bayan Muna Rep.Teddy Casiño, makaboboto na ang kwalipikadong miyembro ng media sa loob ng 14 araw (working days) bago mag-eleksyon sa tanggapan ng City Election Registrar kung saan sila nakarehistro. Ang naturang tanggapan ay bukas ng 14 oras.

Maraming mga kagawad ng media ang hindi na nakaboboto dahil sa sila ay nagkokober sa mismong araw ng eleksyon.

“During election day, media practitioners are our source of election updates and at the same time watchdogs, exposing different images of election abuses,” ani Teodoro

Base rin sa panukala, kailangang makapagsumite ang media establishments sa loob ng 30 araw bago eleskyon sa Commission on Elections (Comelec) ng listahan ng kanilang media staff at ng kanilang destino.

Hinihiling naman ng panukala na maagang magpasa ang media practitioners ng kanilang application form para sa gagawing beripikasyon ng Comelec.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply