Machine-gun assault inilunsad ng Syrian forces

MULING naglunsad ng machine-gun assault ang puwersa ni Syrian President Bashar Assad sa Latakia, Syria.

Dahil dito umakyat na sa 35 ang patay sa naturang lungsod.

Napag-alaman na kasabay ng Ramadan ay lalong pinaigting ni Assad ang crackdown operation sa mga nag-aaklas na limang buwan nang ipinapanawagan ang pagbaba sa puwesto ng Pangulo.

Sa kabila ng pagkondena ng international community, determinado si Assad na bawiin ang kontrol sa mga lugar kung saan may pag-aaklas.

Isa sa mga tinarget ng Syrian forces sa Latakia ay ang Palestinian refugee camp

Ayon sa UN, higit 5,000 refugees ang lumikas dahil sa pang-aatake at nag-demand ang United Nations na papasukin sila sa refugee camp.

Muling nanawagan ang Amerika kay Assad na itigil ang karahasan laban sa mga sibilyan habang nakiisa na rin sa panawagan ng ceasefire ang dating kaalyado ng Syria na Turkey, maging ang bansang Japan.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply