Madugong Game 3 ng Boosters at Texters

DOBLENG seguridad at ibayong paghihigpit ang ilalatag ng management at ng mga referee ng PBA sa third game ng best-of-seven finals ng PBA Governors’ Cup sa pagbabalik ng laro ngayong gabi sa Smart Araneta Coliseum sa pagitan ng Tropang Texters at Petron Blaze Boosters.

Magkapantay sa 1-1 win-loss slate, nakabawi ang Tropang Texters sa Boosters sa out-of-town game number 2 sa Tubod, Lanao del Norte nang palugmukin ang Boosters sa iskor na 103-85 na kinasangkutan ng kagusutan ng ilang manlalaro ng magkabilang koponan sa pagtatapos ng first half.

Si Ali Peek na pinatawan ng two technical fouls ay napatalsik sa playing court kasabay ng katulad na pagpapalabas kina TNT Mark Yee at Jojo Duncil ng Petron.

Binabalaan din si Mick Pennisi sa pisikal niyang laro kasunod ng isang hard foul kay Ranidel de Ocampo na nagresulta ng sugat sa ulo ng sweet-shooting forward ni coach Chot Reyes.

Inaasahan ng dalawang bench tacticians na sina Reyes at coach Ato Agustin na ang mga laro ay magiging pisikal at emosyonal hanggang sa pagtatapos ng serye kung kaya’t ipinauubaya ng PBA Management ang pagpapa-alala para sa mapayapang nalalabing mga laro.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply