Mag-anak tinangkang imasaker ng mangkukulam

APAT na miyembro ng isang pamilya kabilang ang dalawang 74-anyos na mag-asawa ang pinagtangkaang paslangin nang pagtatagain ng isang lalaki na kanilang pinaghihinalaang mangkukulam sa San Juan, La Union sa ulat ng pulisya, kanina.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na mag-asawang Isabelo, 74 at Brigidia Dacumos, 74; at ang mga anak nila na sina Bernie, 34 at Louie Glenn, 23, pawang Barangay Casilagan, San Juan.

Base sa isinagawnag imbestigasyon ng San Juan Police Station, kinilala ang suspek na si Doroteo Fontanilla, 49.

Nabatid na nagwala ang lasing na suspek nang makarating sa kanya ang bintang na isa siyang mangkukulam.

Dahil dito, bigla umanong kumuha ng itak ang suspek sa kanilang bahay at saka pinasok naman ang tahanan ng mga biktima at walang sabi-sabing sinalakay ang mga ito ng taga.

Kritikal naman ang 74-anyos na lola dahil sa malalim na sugat na tinamo sa kanyang leeg, habang nilalapatan pa rin ng lunas ang tatlo niyang kamag-anak.

Ayon pa sa pulisya, matapos ang insidente ay nahuli nila ang suspek na nakatulog sa kanilang bahay dahil sa umano’y kalasingan nito.

Lumalabas na ang suspek at ang asawa nito ay pinaghihinalaan ng ilang mga kapitbahay na mangkukulam.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply