Mag-asawa natusta sa sunog sa Nueva Ecija

NALITSON nang buhay ang 58-anyos na mag-asawa nang makulong sa nasusunog nilang bahay kaninang madaling-araw ayon sa Nueva Ecijia sa ulat ng pulisya.

Sa report na ipinarating sa Camp Crame, kinilala ang mga namatay na sina Marcos Urbano at Imelda kapawa, ng Barangay Poblacion South, Munoz.

Ayon kay Senior Police Officer 1 Efren Cara, investigator on duty at may hawak ng kaso, naganap ang sunog bandang 1:30 ng madaling-araw.

Sa ginawang pagsisiyasat ng arson investigators, lumalabas na nakulong ang mag asawa sa kanilang silid tulugan kaya hindi kaagad nakalabas ng kanilang bahay.

Hinihinalang himbing na himbing sa kanilang pagtulog ang mga biktima kaya hindi namalayan na unti-unti nang nilalamon ng apoy ang kanilang tinitirhan na tumagal ng may kalahating oras bago naapula.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply