Mag-asawa todas sa road mishap

MAGKASUNOD na binawian ng buhay ang mag-asawa matapos sumalpok ang kanilang sinasakyang motorsiklo sa sa isang passenger bus sa kahabaan ng national highway sa lalawigan ng Ilocos Sur.

Base sa report na nakarataing sa Camp Crame, kinilala ang mga biktima na sina Manuel Garcia, 59, at ang asawang si Marilyn Garcia, residente ng  Barangay Caraisan, Magsingal, Ilocos Sur.

Ayon sa Magsingal Municipal Police Station, naganap ang sakuna sa pambansang lansangan ng Barangay Barbarit, Magsingal, Ilocos Sur.

Ayon sa imbestigasyon ng mga awtoridad, tinatahak ng mag-asawa ang direksyon patungong norte sakay ng kanilang motorsiklo nang mag-overtake ang mga ito sa isang bus ngunit nagkamali umano ito ng kalkulasyon kaya naalangan at nawalan ng kontrol sa manibela.

Dahilan ito upang bumangga sila sa isang RMCJA bus na minamaneho ng isang Jason Pizarro, 25, ng Barangay Balaleng, Bantay na nasa kabilang lane.

Idineklarang dead on the spot si Manuel habang naitakbo pa sa pagamutan ang ang kanyang misis subalit patay na rin ito ng idating ayon sa mga doktor sanhi ng grabeng sugat at pasa na tinamo. Verlin Ruiz

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply