Mag-asawang pensionado pinatay ng dating tauhan

DEAD on the spot ang mga asawang pensionado ng pasukin sila ng isang dating trahabador at pagbabarilin sa Solsona, Ilocos Norte Biyernes ng gabi, Agosto 19.

Sa report na ipinarating sa Camp Crame Command Operation Center, daglian ang naging kamatayan nina  Patricio Esteban, 78, sanhi ng tinamong  tama ng punglo  sa sa kanyang kili-kili at ulo at ang asawang si Leonila, 81, na nagtamo naman ng tama sa ulo at  noo.

Ayon sa ulat, naganap ang pamamaslang bandang alas-7:50 ng gabi sa Barangay Manalpac, Solsona, Ilocos Norteng ng barilin ng suspek na nakilalang si Cristobal Pablo ang mag asawa na kasalukuyang nagpapahinga sa kanilang bakuran matapos na maghapunan.

Ayon sa salaysay ng mga kapitbahay, bigla na lamang nilang ikinagulat nang makarinig ng limang beses na putok ng baril sa likurang bahagi ng bahay ng mag-asawa.

Agad hinuli ng mga pulis ang suspek na si Pablo, residente rin ng naturang lugar matapos positibong ituro ng mga testigo.

Ayon kay S/Insp. Teddy Rosqueta, chief of police ng Solsona, ang suspek ay nagsilbing “errand boy” o kasama sa bahay ng pamilya Esteban subalit  pinaalis  umano siya at ipinakulong pa ng mag-asawa dahil sa nagawa nitong kasalanan .

Si Pablo ay dinampot sa videoke bar ilang oras matapos ang insidente.

Sinabi ni Rosqueta na sapat na umano ang mga nakalap na impormasyon ng PNP upang maisampa sa pamamagitan ng inquest ang kasong double murder laban sa suspek. Verlin Ruiz

 

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply