Mag-inang mayaman dinukot sa simbahan

DINUKOT ng mga armadong lalaki ang mag-ina ng isang mayamang negosyante sa General Santos City sa ulat ng PNP kanina.

Ayon kay PNP Western Mindnao DIPO, alas 6:30 ng gabi kahapon nang puwersahang tinangay ang mag-inang biktima habang nagsisimba sa St. Michael Parish Church.

Kinilala ni PNP Director Felicisimo Khu, pinuno ng Directorate for Integrated Police Operations- Western Mindanao (Dipo-WM), ang biktima na sina Dina Dumaran at anak na si Sophie.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, nagsisimba sina Ian Dumaran may-ari ng gasolinahan sa kabayanan at asawa nitong si Dina nang lumabas ang bata na sinundan ng babae subalit hanggang sa natapos ang misa ay hindi na ito bumalik.

Matapos na hindi makita ang mag-ina ay sinasabing nakatanggap ng tawag ang ama ni Ian na si Igmedio Dumaran, negosyante at may ari ng Shell Gasoline station sa Purok Malakas, Barangay City Heights na nagpakilalang abductors ng mag-ina.

Sa salayasay ng matandnag Dumaran, sinabi ng mga suspek na hawak nila ang mag-ina at mag-antabay na lamang ng kanilang mga utos.

Nabatid pa na humihingi ang mga suspek ng ransom money kapalit ng kalayaan ng kanilang bihag.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply