Mag-utol todas sa sunog, 1 pa sugatan

NATUSTA nang buhay ang dalawang paslit na magkapatid habang isa pa ang nalapnos ang balat nang tupukin ng apoy ang kanilang bahay sa La Union.

Kinilala ang mga biktima na sina Jayson Paloga, 4, at Jamaica Jane Paloga, 2, habang sugatan naman ang isa pa nilang kapatid na si Aysha, 7, pawang ng Barangay Bacuit Norte, Bauang La Union.

Ayon sa mga kapitbahay ng mga biktima, sinabi nilang na dakong alas-9:00 ng gabi Miyerkules ng gabi umano nang mangyari ang pagkakasunog ng dampa.

Bago ito, nabatid na iniwan ng magulang ang kanilang mga anak para dumayo sa inuman dahil kaarawan ng kanilang kaibigan sa kabilang barangay.

Lingid sa mag-asawa, nabuwal ang kandilang may sindi na na nasa loob ng kanilang maliit na dampa na siyang dahilan kaya sumiklab ang sunog.

Sinaklolohan naman ng panganay na anak na si John Jonathan Palaga Jr, 10, ang kanyang mga kapatid na naipit sa sunog pero hindi nito nakayanan dahil nilalamon na ng malaking apoy ang kanilang dampa. Hindi naman ito nasaktan.

Kasama sa naabong dampa si Jamaica Jane, samantalang binawian naman ng buhay sa ospital si Jayson Paloga habang ito ay ginagamot doon.

Nasa mabuti na ring kalagayan ang kanilang kapatid na si Aysha matapos magtamo
ng sugat sa kamay.

Daing naman ng mga kapitbahay, na wala ni isa umano mula sa mga kawani ng barangay at awtoridad ng bayan ng Bauang ang nagrespode sa insidente.

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply