Magat Dam nagpakawala ng tubig

TANGING ang Magat Dam sa Ramon, Isabela ang nagpakawala ng tubig sa harap ng walang tigil na buhos ng ulan.

Ayon kay Dr. Susan Espinueva, Hydrometeorology Division Officer-In-Charge ng Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), na isang metro ang binuksan sa gate at nagpalabas ng 300 cubic meter na tubig kada segundo.

Nilinaw naman ni Espinueva na hindi ganoon karami ang 300 cubic meter per second dahil ang carrying capacity ng Magat River ay nasa 2,000 cubic meter per second.

Samantala, isinara din ang gate sa Ipo Dam sa Norzaragay, Bulacan bandang alas 9:20 Martes ng umaga, Agosto 2, matapos buksan dakong 1:00 ng madaling-araw.

Wala pa naman sa spilling level ang iba pang dam at malaki pa ang kakulangan ng kanilang tubig bago ito maideklarang nasa critical level. Robert C Ticzon

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply