Magbubuko pinagtataga ng kasamahan

TODAS ang isang magbubuko matapos pagtatagain ng kasamahan nang magkapikunan habang nag-iinuman sa Caloocan City Linggo ng gabi, Agosto 28.

Dead on the spot sanhi ng mga leeg at braso si Albert Reyes, 31 ng Instanislao st., Maypajo, nasabing lungsod.

Nadakip naman si Albert Manaluz, 27, buko vendor at kapitbahay ng biktima.

Base sa ulat, dakong 7:45 ng gabi, nag-iinuman ang mga magbubuko sa Istasnilao St., nang magkakulitan ang biktima at ang suspek.

Biglang kinuha ng suspek ang itak at walang salitang pinagtataga ang biktima hanggang sa mapatay.

Nadakip naman ng mga barangay tanod ang suspek kung saan inaalam na kung ano ang pinagtalunan sa nasabing insidente.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply