Magdyowa huli sa pagse-sex sa tricycle

DAHIL sa init ng kanilang pagtatalik ay nahuli ang isang magdyowa matapos na mapansin ng mga nagpapatrulyang pulis ang malakas na pag-uga ng isang tricycle kung saan nagparaos ang mga nahuli sa Tacloban City, iniulat ng awtoridad ngayon, Martes.

Sa report na nakarating sa Camp Crame, kasalukuyang rumoronda ang mga tauhan ng Abucay PNP ng maaktuhan nila ang isang lalaki at kalaguyo nito na kapwa hubo’t hubad na nagtatalik sa loob ng tricycle sa kahabaan ng Jones St. sa Tacloban City.

Sa pagsisiyasat ay kinilala ang mga inaaresto na sina alyas “Alexis,” 44, may asawa at residente ng Barangay 96 Calanipawan, at ang babaing itinago lamang sa pangalang “Amor,” 55, na taga-Burayan San Jose, Tacloban City.

Aminado si Alexis na matgal na silang may relasyon ng babae at dati naman silang pumapasok kahit sa mga mumurahing hotel ngunit dahil sa kawalan ng pera ay nagpasya silang sa tricycle na lang magtalik upang mapagbigyan ang kanilang mga pangangailangan.

Sa ngayon ay inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kaso na isasampa laban sa mga nadakip.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply