Magkakagulo sa langis at sa korapsyon

KUNG hindi maagapan ng pamahalaan ni PNoy ang mga suliranin sa langis at korapsyon, baka pupulutin tayo sa kangkungan.

Sa korapsyon, parami nang parami nang parami ang mga tinatawag ng Kongreso na sangkot umano.

Iba pa ang pagtawag sa kanila ng Department of Justice at Office of the Ombudsman.

Sa Senado, kapag ginisa sila ng mga senador, mahigit pa sa kahihiyan ang inaabot nila.

At habang ginigisa sila ng mga mambabatas, panay ipon naman ng ebidensiya ang DOJ at Ombudsman para matanggal sa puwesto at makulong sa kalaunan  ang mga ginigisa roon.

Huwag sabihin nina PNoy na madaling gapusin ang mga inaakusahan nilang mga korap.

Wataymen, paano kung may papalag sa katwirang tabingi ang hustisya ni PNoy?

Sapagkat lumalabas namang dapat na may maisamang mga kapanalig o KKK si PNoy sa mga isinasalang sa harapan ng  mapang-usig na Senado at mambibilanggo na DOJ at Ombudsman.

Pero libre ang mga ‘to.

oOo

Itong problema sa presyo ng langis, lalo na ang inaasahang pagbaba ng presyo rito, ay hindi biro-biro.

Hindi natin sinasabi na magkakagulo kung paglolokohin lang ng mga kompanya ng langis si Juan.

Pero kung ikakatwiran ng mga kompanya ng langis na bumabawi lang sila sa pagkalugi at kakarampot ang bawas-presyo nila na sasang-ayunan ng inutil na gobyerno, ano sa palagay ninyo ang mangyayari?

Tantiya ni Ralph Recto, nasa P5 dapat ang bagsak presyo pero sinasabi ni Rene Almendras sa DOE na P2 lang, ano ang mangyayari?

Ayaw kong isipin na may pasasabugin na mga tanker ng gasolina o may magra-riot tulad ng nangyari sa London kamakailan.

PNoy, ano ba, huh?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply