Magkapatid na amok, utas sa parak sa Tondo

PATAY ang magkapatid na lalaki  matapos mabaril ng pulis Maynila na  unang hiningan ng tulong ng kanyang kalugar laban sa pag-aamok ng mga ito, Linggo ng gabi sa Tondo, Maynila.

Dead on the spot si Reynante Montero, 17, habang dead on arrival naman sa Tondo Medical  Center ang nakatatandang kapatid na si Lester Montero, 19, ng Bld. 22 Unit 317, Permanent Housing, Vitas, Tondo ,Maynila.

KUsang sumuko naman sa pulisya si PO2 Jayson Ibasco, nakatira sa ikalawang palapag ng Permanent Housing at nakatalaga sa Manila Police District-Homicide Section matapos mabaril ang magkapatid.

Ayon kay Ibasco, napansin niyang nagkakagulo sa 3rd floor ng nasabing gusali ngunit hindi niya ito pinansin sa pag-aakalang away pamilya lamang.

Habang nanonood ng telebisyon ay bigla siyang kinatok ni Miracle Fuertes at humahangos na humihingi ng tulong dahil kinukursunada umano ng mga napatay ang kanilang mga kamag-anak na lalaki.

Sa puntong ito, pagsilip ni Ibasco sa kanilang bintana ay nakita siya ni Reynante at sinabihang huwag makikialam sa gulo.

Agad na sinugod ng magkapatid si Ibasco at pinagtulungang hawakan upang maagaw ang kanyang  service firearm.

Habang hawak-hawak siya ng magkapatid  ay nagawa namang mahawakan  ni Ibasco ang sumpak na dala ni Reynante ngunit bigla siyang sinuntok sa nguso dahilan upang bumunot ng baril  at ipinutok sa mga ito.

Sa pakikipambuno ni Ibasco sa mga suspek ay nagtamo ito ng  mga gasgas sa dibdib at putok ang mga labi.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply