Magkapatid na tulak timbog sa Taguig

DAKIP ang magkapatid na tulak ng ipinagbabawal na droga sa isinagawang pagsalakay ng mga elemento ng Station Anti-illegal Drugs Special Operation Task Group (SAID-SOTG) sa 05 Camachile St., Purok 4, Barangay Lower Bicutan, Taguig City.

Bago nailatag ang paglalansag sa gawain ng magkapatid, sinabi nina arresting officers PO3 Marvin Zata at PO2 Noel Antillion Jr., na maingat na nagsagawa ang kanilang grupo ng tactical surveillance sa ilalim ng pamumuno ni PCI Mihilan Abu Payao upang tiyakin ang mga sumbong na ipinarating sa kanilang tanggapan ng concerned citizens.

Kinilala ng undercover agents ang mga suspek na sina Eloisa Pamero San Diego, alyas Badiday, 37 at Sergio San Diego Dela Pena, alyas Jun, 42.

Nasamsam sa mga suspek ang anim na plastic sachets na naglalaman ng shabu at marked money.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Sec. 5 at 11 ng Art. 2 RA9165 ang magkapatid.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply