Magnanakaw na manyak shoot sa kulungan

SWAK sa kulungan ang isang lalaki matapos nakawan at hipuan ang kapitbahay na dalaga sa loob ng bahay ng huli sa Caloocan City Lunes ng madaling araw, Agosto 15.

Nakilala ang suspek na si Jackie Sy, 23 at residente ng Libis Dulo ng lungsod.

Sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Jennie, 20, dakong alas-4:00 ng madaling araw nang magising siya nang maramdaman may humihimas sa maseselang parte ng kanyang katawan.

Nang magmulat ng mata ay napatayo ay biktima nang makita ang suspek.

Mabilis na tumakas ang suspek habang nagsumbong naman sa mga barangay tanod ang biktima.

Sa isinagawang follow-up operation ay nadakip si Sy.

Nabatid na nawawala rin ang cell-phone ng biktima na hinihinalang kinuha ng suspek.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply