Magtatagumpay kaya si Ombudsman Morales?

“Ombudsman Hiring Over 100 Lawyers”, pahayag ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.

Ito’y para raw masiguro ang mabilis na ‘disposition’ ng mga kaso na nakabinbin ngayon sa naturang ahensya, ayon sa dating Supreme Court Justice.

Sa dami ng naging aplikante sa Ombudsman position, si Morales ang napili ni Pangulong Noynoy Aquino, kapalit ng nagbitiw na si Merceditas Gutierrez.

Batid ng sambayanan na kaya nag-resign si Guttierez ay dahil nahaharap ito sa ‘impeachment’ dahil walang ginagawa – inuupuan daw ang mga kaso.

Ang malinis na imahe at walang dudang integridad ni Morales ang naging ‘ticket’ nito para piliin ni PNoy at pamunuan ang anti-graft agency.

Ngayon, ang bola ay nalipat na sa kamay ng dating SC Justice.
Napakalaki ang inaasahan sa kanya ng sambayanan kaya kailangan niyang magdeliver.

Pero, hindi madali ang trabaho ni Morales. Sa dami ng nakabinbing kaso ng mga may kapangyarihan, kailangan niya ang ‘Divine Intervention’ para magtagumpay.

Ang isa pang magiging sakit ng ulo ni Morales – bagama’t nasasaad sa batas – ay ang kaliwa’t kanang Court issuance ng Temporary Restraining Order (TRO).

Maraming ipinalalabas na TRO, partikular ng Court of Appeals (CA), ang pinagsususpetsahang may bahid na pagdududa ng mga ‘subject for TROs.

Kalimitan, kapag may sinususpinde preventively ang Ombudsman, ang sinususpindeng public servant ay tumatakbo sa CA na kaagad namang nag-iisyu ng TRO.

Sa batas, kaya sinususpinde ng Ombudsman ang public servant, tulad halimbawa ng mayor, ay dahil may nakitang malakas na ebidensya sa kasong isinampa laban sa kanya.

Ang primary concern kaya pinaiiral ang suspension ay para ‘di maimpluwensiyahan ng sinususpindeng mayor ang mga saksi o mamanipula ang dokumento o ebidensya.

Kasong halimbawa ay ang six-month preventive suspension ng Ombudsman kay Caloocan City Mayor Recom Echiverri na may kinalaman sa kaso ng GSIS na non-remittance.

Napigil ang kanyang preventive suspension dahil sa nakuhang TRO ng CA.

At ilang linggo pagkatapos, dinala ni Echiverri ang ‘reconciled statement’ sa GSIS office.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply