Magulang sa trabaho inutas ng nabuwisit na driver

PATAY ang isang driver matapos barilin ng kasamahang driver dahil sa gulangan sa trabaho sa Navotas, kagabi.

Dead on arrival sa Tondo Medical Cente sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Genaro Tecson, 51, company driver ng FV Marine Supply sa Bangkulasi, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng mga pulis si Angelito dela Cruz, kasamahang driver ng biktima.

Base sa ulat, dakong 10:30 ng gabi, kinompronta ng suspek ang biktima sa labas ng warehouse ng nasabing kumpanya.

Magulang umano sa trabaho ang biktima subalit hindi ito pinansin ni Tecson na pumasok sa loob ng canteen ng kumpanya.

Lalong nagalit ang suspek kaya sinundan sa loob ng canteen ang biktima bago binaril.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima sa TMC.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply