Mahiwaga

TUMUTOK ang mata ng sambayanan noong isang linggo sa isinasagawang Senate hearing hinggil sa isyu ng mga biniling helicopter ng Philippine National Police (PNP) na umano ay brand new pero second hand pala.

Lumitaw sa pagdinig na ang arkitekto raw sa maanomalyang transaksyon ay ang usual suspect na si dating First Gentleman Mike Arroyo.

Dahil dito, hiniling ng mga senador partikular ni Sen. Jinggoy E. Estrada na imbitahan sa hearing at ilagay na rin  sa watch list ng Bureau of Immigration si Arroyo.

Pero habang pinag-uusapan pa lang ang mga gagawing hakbang na ito ay biglang pumutok ang balita na wala sa bansa si FG at nagpapagamot na sa Hong Kong.

Ngek! Nasalisihan ang mga magigiting nating mga senador at mga immigration official.

Lalo pang nag-panic ang mga awtoridad nang malaman nila na nakaalis si FG ng hindi nalalaman ng mga taga immigration.

Sablay na naman?!

Hindi tuloy magkandatuto si Justice Secretary Leila de Lima sa pagpapaliwanag at maging sa pagbabanta na ipakakansela ang passport ni FG dahil sa ginawa niyang “pagtakas.”

Pero gaya nang isang maamong tupa ay humingi rin siya ng sorry kay FG nang malaman niya na sumunod naman pala sa proseso at hindi lihim angginawang pag-alis ng dating unang ginoo. Sa madaling salita nakuryente si De Lima. Tsk-tsk! He-he!

Pero dapat pa ding mag-ingat si De Lima at ang mga tropa niya.
Lumalabas na muk-hang testing o trial lang ang ginawang pagpuslit na iyon mula sa bansa ni FG.

Mukhang inaalam lang niya kung kaya niyang tumakas nang hindi nalalaman kung sakali at maramdaman niya na tuluyan na siyang masasabit sa mga kaso niya.

Panahon na siguro na magpalit ng personnel ang BI sa ating mga paliparan.

Mukhang may hindi maganda akong naaamoy sa mga mahiwagang pangyayaring ito.

Siyanga pala, totoo kaya ang balita na may biniling mansion sa may boundary ng Portugal at Espanya ang mag-asawang Arroyo?

Ang alam ko kasi ay walang extradition treaty ang Pinas sa nasabing mga bansa. Gets mo na ba, Pareng Fer?

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply