Maingay na kelot pinatahimik

PATAY ang isang lalaki matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin habang ang una ay nagwawala sa loob ng kanilang compound Lunes ng madaling araw, Agosto 22, sa Barangay Bagong Silang Caloocan City.

Namatay mismo sa pinangyarihan ang biktimang si Roderick Montano, 35, sanhi ng tama ng bala sa likod ng kanan ng ibabang tainga.

Sa ulat, bandang alas-2:00 ng madaling araw ay maingay na lumabas  ng compound  ang biktima at habang naglalakad  sa secondary road ay palihim na nilapitan ng salarin at binaril ng malapitan.

Matapos ang insidente ay mabilis na tumakas ang salarin bitbit ang ginamit na  baril habang ang biktima ay nanatiling nakahandusay sa lugar hanggang dumating ang kagawad ng Camanava SOCO.

Patuloy na nagsasagawa ng masusing imbestigasyon ang mga awtoridad at inaalam ang tunay na motibo sa pagpaslang sa biktima. Roger Panizal

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply