Makina ng MRT palitan ng bago – commuters

IMINUNGKAHI ng mga komyuter sa pamunuan ng Metro Rail Transit (MRT) na palitan na ng bago ang madalas nang masirang mga makina ng mga tren nito upang matigil na ang mga aberya sa pagbibiyahe ng mga tumatangkilik dito.

Dahil sa pagtitipid ng mga awtoridad ng MRT, maraming pasahero ang na-stranded kaninang umaga nang muling nagkaaberya ang operasyon ng MRT.

Ayon kay MRT supervisor Jay Tongco, bandang 7:28 ng umaga nang magkaaberya ang isa nilang tren bago dumating ng Ayala Ave.  Station patungo sa norte.

Umabot din ng 40 minuto ang delay bago naibalik sa normal ang byahe ng MRT.

Sinabi naman ni MRT spokesperson Hernando Cabrera na nag-fluctuate ang power supply ng isang tren habang paalis sa Taft Ave.  station.

Dahil dito ay hindi na ito pinasakyan sa mga pasahero at agad dinala sa North Ave. station upang maiayos.

Subalit pagsapit sa pagitan ng mga istasyon ng Magallanes at Ayala Ave. ay tuluyan na itong tumirik at itinulak na lang ng isang nakabuntot na tren hanggang sa makarating sa North Ave. Station.

Ang panibagong aberya ay nakaperwisyo ng maraming pasahero.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply