Malaki kung maglagay ang may-ari ng putahan

MALAKI umanong maglagay itong may-ari ng mga bulok na sinehan sa City Hall na nakasasakop ng kanyang “putahan.”

Ayon sa sources ng Lily’s Files, malakas at malaki raw kung maglagay itong si Boy Lao sa City Engineer’s Office at sa Bureau of Per-mit ng alinmang lungsod na mayroon itong sinehan.

Alam nitong si Boy Lao kung papaano mangiliti sa mga opisyal ng City Hall kaya ganun na lang siya ka galanteng maglagay dahil kung hindi niya ito gagawin,  ay alam niyang hindi siya mabibigyan ng permit to operate.

Kung mapapansin niyo, lahat ng sinehan nitong si Boy Lao ay pawang mga nasa “condemn building”, ang ibig sabihin ay mapanganib sa mga manonood.

Hindi kaya naisip nitong si Boy Lao kung anong posib-leng kapahamakan ang kanyang idudulot sa mga taong  pumapasok sa kanyang mga sinehan o putahan?

Ilan sa mga bulok na sinehan ni Boy Lao ay nasa Quezon Blvd. na papalit-palit ng pangalan at isa pa sa may Claro M. Recto, pawang mga nasa Maynila.

Bakit nabibigyan ito ng permit ng Manila City Hall  gayung nakikita naman nila kung gaano na kabulok ang  gusali  na inookupahan nitong si Boy Lao?

Bukod sa napakadelikado sa manonood ang mga sinehan ni Boy Lao ay sinasabing nakasusuka raw ang amoy  ng mga ito sa loob dahil bukod sa napakarumi na ay kung ano-anong kababuyan  pa ang dala ng mga manonood.

Napaka-untouchable raw nitong si Boy Lao at walang takot na ma-raid ang kanyang mga sinehan dahil sa naka timbre ito sa pulis at sa City Hall lalo na sa lungsod ng Maynila kung saan ay  bagyo  raw ang dating nito kay Manila Mayor Alfredo Lim.

Kaya naman pala , hindi  ako magtataka kung bakit talamak ang prostitusyon sa loob ng mga sinehan nitong si Boy Lao.

Puwes kung malakas itong si Boy Lao sa mga mayor at city hall, ano ang ginagawa ng National Bureau of Investigation  dito?

Attention,  NBI Director Gen. Magtanggol Gatdula, Sir, malakas din ba sa inyo itong si Boy Lao? Nagtatanong lang po.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply