Malawakang tigil pasada ikakasa bukas

CABUYAO, Laguna–Bilang protesta sa patuloy na pagtaas ng mga produktong petrolyo, magsasagawa ng sabayang transport strike ang grupong Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa Calabarzon at Bicol Region.

Ayon kay PISTON Sec. General George San Mateo, ito ay bahagi ng pambansang araw ng protesta at ikalawang “round” ng malawakang tigil-pasada na nagparalisa sa malaking bahagi ng transportasyon nitong nakalipas na Hulyo.

Aniya, sa isinagawang  press briefing sa Cabuyao, Laguna kahapon, ang protest rally  ay patikim lang sa ikinakasang mas malalaking welga ng mga sasakyan ng PISTON at ng iba pang pederasyon ng transport groups sa susunod na mga buwan.

Ang welga ngayon ay kabilang ang mga akitbidad na tigil-pasada sa mga lalawigan ng Cavite, Laguna, Rizal, Batangas at Quezon at sa buong Bicol Region na sasabayan naman ng protest rally sa mga lugar sa Cagayan Valley, Iloilo City at iba pang probinsya habang sa Metro Manila naman ay magsasagawa ang kanilang grupo ng protest Caravan sa mga opisina ng Big 3 oil companies Pilipinas Shell, Caltex, and Petron.

Ipinoprotesta ng grupo ang mabagal at masyado umanong maliit na rollback sa mga presyo ng produktong petrolyo sa kabila ng pagbagsak ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

“Nagpahayag ng ilang mga mambabatas na dapat ay P5-P8 kada litro ang dapat maging rollback ng mga presyo dahil sa pagbaba ng presyo nito sa world market noong Agosto 8. Subalit P1.70 lamang ang kanilang ibinaba ng Big 3 makaraang magbaba lang kanilang presyo ang mga small oil players,” ayon pa kay San Mateo.

Sinabi naman kay Lando Mingo, chairman ng regional chapter ng PISTON na Southern Tagalog Region Transport Organization (STARTER), kabilang din sa kanilang hinihiling ang pagbasura sa 12 percent Expanded Value Added Tax at ang P9 kada litro overpricing sa presyo ng krudo.

Tinututulan din nila ang karagdagang 12 percent tax sa  toll fees  sa South Luzon Expressway (SLEX) na nakatakdang ipatupad sa darating na Octubre 1.
Ani ni Mingo, inaasahan nila ang paglahok ng nasa libo-libong mga tsuper at operator sa Southern Tagalog at inaasahang mapaparalisa nila ang buong biyahe sa nasabing rehiyon.

Kabilang aniya sa mga lugar na posibleng maparalisa ay ang—Sa  Laguna: Pacita Complex sa San Pedro, boundary  ng  Binan City Laguna at  Carmona Cavite, Balibago Complex, Barangay Tagapo at  Dita sa Sta. Rosa City, Mamatid Rotonda at Pulo sa Cabuyao, Crossing sa  Calamba City, Los Banos junction, Balete at  Sambat sa Victoria, Sta. Cruz, Siniloan;

Samantalang sa  Cavite: Imus, Dasmarinas City,  Rosario at  Zapote Road sa  Bacoor; Sa Quezon province naman ay ang mga lugar sa Tiaong, Lucena City, Infanta, Nakar, at bayan ng  Real; sa  Rizal: mga lugar sa Atipolo City, Anggono, Binangonan, Tanay, at  Taytay.
Samantalang  magsasagawa din ng protest rally at  caravan sa Lemery at  Lipa City sa Batangas.

Sa  Bicol Region, ang  transport strike ay panggungunahan ng lokal na chapter ng PISTON na Concerned Drivers and Operators for Reform (CONDOR).
Umapela  din ang  transport group  sa mga  tanggapan ng pamahalaan, mga pribadong kompanya, at sa mga  eskwelahan  na ikonsidera at  gawing “voluntary holiday” ngayong araw  sa mga apektadong lugar kasaabay ang panawagan   sa mga  lokal na pamahalaan at sa PNP  na maglaan ng mga libreng sasakyan sa mga maiistanded na pasahero.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply