Maling sistema sa CCT pinatutuwid ng CBCP

PINATUTUWID ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines ang mga maling sistema sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program ng pamahalaan na ipinapatupad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Ito ay bunsod na rin sa lumalabs na report ng Commission on Audit na may mga benepisyaryo ang Conditional Cash Transfer program na hindi kuwalipikado at ang pag-aalis sa listahan ng DSWD sa may 155,000 pamilya.

Sinabi ni Fr. Edu Gariguez, Executive Secretary ng CBCP NASSA, matagal na silang may mga natatanggap na ulat kaugnay sa maling nangyayari sa programa.

Gayunman, pinuri ni Fr. Gariguez si Social Wlfare Secretary Dinky Soliman na nagpatupad ng malaking pagbabago sa kagawaran, ngunit pinuna naman niya ang nangyayaring anomalya sa lower level ng tanggapan.

“Kailangan pa rin nating ituwid yung maraming maling sistema at korupsyon sa ibaba, sa bahagi ng DSWD sa pamumuno ni Secretary Soliman, malaki ang pinagbago talaga, matino yung pamunuan, pero pagdating sa baba yun ay sa atin ay nakakatakot kasi ang laking pera nito na mapunta lang sa wala, sa ngayon nga ay nagsusulputan na nga ang mga isyu na yan,” ang pahayag ni Fr. Gariguez.

Nilinaw naman ni Cotabato Auxiliary Bishop Jose Colin Bagaforo na sustainable employment o permamenteng source of income ang dapat ibigay sa mga mahihirap na pamilyang Filipino sa halip na Conditional Cash Transfer o tinatawag ng Simbahang Katolika na “dole-out.”

Aminado naman si Bishop Bagaforo na nakatutulong din ang CCT kahit na panandalian lamang ngunit aniya, hindi dapat na dumepende o umaasa na lamang ang mga mahihirap sa dole-out ng pamahalaan bagkus dapat ay magsumikap sa paghahanap ng ikabubuhay.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply