Malinis na record sa army volleybelles

IPAGPAPATULOY ng Army volleybelles ang malinis na record habang papalapit ang pagtatapos ng single-round elimination ng Shakey’s V-League Open Conference sa pagsabak nila sa dumadausdos na Ateneo Lady Eagles (2-3) habang isa pang hindi nakaaangat na Maynila tossers ang kahaharapin ng Navy spikers (3-1) sa The Arena sa San Juan City mamayang hapon.

Dalawang panalo na lang ang kailangan ng Army kasunod ng pagpapatuyo sa Maynilad sa loob ng 4 sets noong Linggo. Sina ex-Most Valuable Player Mary Jean Balse at Michelle Carolino ang naghatid ng mahahalagang puntos sa Army na sinuportahan nina Rachel Ann Daquiz, Joanne Bunag, Marietta Carolino, Dalia Cruz at Cristina Salac.

Si Daquiz ang tinanghal na best player of the game sa kanyang 11 attacks, 3 blocks at 3 service points sa 25-22, 25-15, 25-27, 25-15 panalo nila sa Maynilad noong nakaraang linggo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply