Manager ni Carla Abellana gumawa ng matinding gulo sa Regal Films

HIT as in talaga namang sapat na sapat na ang sagutan nina Carla Abellana at Mario Bautista sa mismong presscon ng “My Neighbor’s Wife.” Idagdag pa riyan yung sariling isyu ni Mother Lily against Carla’s manager na si Arnold Vegafria.

Yes, negatibong-negatibo talaga ang dating ngayon ni Arnold dahil nga sa mga pinaggagawa nito lately.

Napuno nga ng tensyon ang naturang presscon nang magkaroon ng mainit na konprontasyon sa pagitan ng veteran columnist na si Mario Bautista (ng Journal Group of Publications) at Carla Abellana.

Nag-ugat ang diskusyon sa artikulong isinulat ni Kuya Mario na ibinase niya sa press release ng Regal Films tungkol sa My Neighbor’s Wife.

Pero itinanggi ni Carla ang mga nasulat na diumano’y naka-quote siya and even sent an e-mail sa kolumnista saying na hindi niya sinabi ang mga nasulat nito.

Sa presscon, diretsahang sinabi ni Kuya Mario na hindi niya nagustuhan ang pagpapadala ng e-mail ni Carla lalo na ang pananakot na nakasaad dito.

Diretsahan ding sinita ng kolumnista si Carla na sa dinami-rami ng naisulat niyang magaganda about the young actress, ni hindi ito nagpasalamat, pero sa isang write-up na hindi nagustuhan, nakakapag-react agad nang hindi maganda.

In fairness to Carla, humingi siya ng dispensa kay Kuya Mario pero ang nakapagtataka, parang hindi niya alam ang laman ng kanyang in-e-mail sa kolumnista na nagsasaad ng pagbabanta at pagde-demand na maglabas ng erratum.

“Wala naman pong ganu’n,” ani Carla.

Nagbigay din ng sariling komento ang producer ng pelikula na si Mother Lily Monteverde pero iba ang issue niya dahil may iba silang problema ng manager ni Carla na si Arnold Vegafria.

Ayon kay Mother, nasaktan siya sa ginawa ni Arnold at hindi ito nakikipag-usap sa kanya.

The producer also revealed na may involved na breach of contract sa pagitan nila ni Arnold.

Matatandaang naging issue ang pagtanggap ng management ni Carla ng pelikulang “Asiong Salonga” ni ER Ejercito.

Ayon kay Mother Lily, naka-exclusive contract ang dalaga sa Regal Films kaya hindi ito puwedeng gumawa sa ibang movie outfit.

Mismong si Mother Lily ay nag-walkout sa presscon sa matinding inis kay Arnold.

“I felt bad. I’m hurt talaga,” parte ng paliwanag ni Mother Lily kung bakit nauwi sa gulo ang publicity ng My Neighbor’s Wife dahil sa manager ni Carla.

Paulit-ulit niyang sinabi na never niyang sinisisi ang aktres dahil wala itong problema, kundi ang kanyang manager, na hindi nakikipag-ugnayan sa kanila.

Sa mga nag-akalang gimik ang lahat para pag-usapan ang movie, naku, maloka kayo dahil ang tsika sa amin ng mga nakasalubong nina kaibigang Mario B at Mother Lily, talaga raw nagpupuyos ang damdamin ng mga ito.

“Ramdam namin ang tensyon at galit talaga. Kaya siguro nakabuting sila na ang kusang umalis bago pa man natapos ang presscon,” tsika ng isang kaibigan.

***

Sam Pinto tatlong milyong pisong tumataginting kung magpabayad

SAM Pinto is now indeed in the roster of the big stars in local showbiz.

Hindi na talaga maawat ang kasikatan ng aktres who belongs to Claire de la Fuente’s stable of beautiful and talented stars. Patunay lamang na si Sam ay made na bilang actress kahit di pa man tumatagal sa industriya. Nasa hilera na siya ng may pinakamatataas na talent fees. Imagine, sa commercials lang, she commands a P3 million asking price at kinakagat naman dahil naniniwala sila sa gayuma ng kanyang ganda.

Kabilang sa mga commercial niya ang San Mig, Fitrum, Creamsilk at malapit na ring makita ang billboard niya sa Edsa for Smart with the Philippine Azkals.

Samantala, nagkaroon ng fans day si Sam na ang mga dumalo ay mga galing sa sosyal na pamilya mula pa sa  iba’t ibang lugar. Dahil sa tinamong papuri ni Sam sa ‘Tween Academy: Class of 2012,’ inimbitahan ng manager niyang si Claire de la Fuente  ang mga fans  sa isang dinner bonding sa  restaurant niya Seafood Market  sa Macapagal Avenue.

***

Kung magaling daw ang Tween Stars sa GMA 7… ‘Magaling din kami, di kami patatalo!’- – ‘Growing Up’ teenstars

MUKHANG scripted but just the same napakaganda at very apt ang sagot ng mga teenstars ng Growing Up, pinakabagong bagets show sa Kapamilya network bilang kumpetensya ng Tween Hearts sa kabilang network naman. Isa–isang sumagot ang mga bagets na sina Neil Coleta, Yen Santos, EJ Fallurin, Kiray Celis, Diego Loyzaga, Daniel Padilla, Katryn Bernardo at Julia Montes tungkol sa pressure na katunggali nga nila sa ere ang Tween Hearts na mataas nga ang ratings.

Ayon sa kanilang lahat, healthy competition lang naman yun, pero anila, di sila nagsasayang ng mga sandali para di nila pagbutihan. “We give our best, kung magaling sila, magaling din kami, di kami patatalo sa kanila,” sabi pa ng ilan sa kanila.

Meron namang ilan sa mga teenstars na nagpakadiplomasya saying na mga kaibigan nila ang mga taga-kabila na tanggap na nilang okey lang kung sino ba talaga. “But we will not fail to give out the best in us. Kung pagkatapos nun, wala pa rin, no frets, talagang ganun. But as it is, di po kami maaring matalo kung labanan man itong masasabi,” sabi pa nila.

Ipinakita during the grand presscon ang full trailer ng serye at talaga namang may laban talaga, sa texture pa lang. Magaling na direktor si Lino Cayetano and it seemed to the invited press na talagang naggawa siya ng homework to come up woth a youth-oriented movie sa bagay sa kasalukuyang panahon ng nasa peak ang terchnology usage.

“We saw to it na hindi kami nagpahuli, although, iisa lang naman ang tema ng lahat ng mga youth-oriented movie kahit na noong unang panahon, iisa lang at parehong moral values na ini-impart, but in Growing Up, we incorporated the language, the gadgets at lahat ng mga napapanahong terms ng kasalukuyang panahon. We hope we didn’t miss a single thing,” sabi pa ni Dreik Lino.

So there!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply