Mangingisda, 5 pa tepok sa kidlat sa Ilocos Sur

TEPOK ang isang mangingisda habang lima pa ang sugatan makaraang tamaan ng kidlat sa ilog ng Barangay San Pedro, Narvacan, Ilocos Sur.

Nabatid na nasawi si Frederick Ambong Collado, 34, habang nakilala ang mga sugatan na sina Arnel Collado, ang asawang si Marie, Marilyn Esteban, Lanie Flores, at Gil Rendon, pare-perehong mula brgy. San Pedro.

Napag-alamang kagagaling ng biktima sa panghuhuli habang tinutulungan ito ng limang kalugar upang makuha na sa bangka ang mga isda nang tamaan sila ng kidlat.

Agad na namatay si Frederick makaraang tamaan ng kidlat habang naospital ang lima dahil sa ilang mga sugat na natamo.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply