Mangingisda nawawala dahil sa bagyong Mina

SINISIKAP ng search and rescue operation ng Philippine Coast Guard  na mahanap ang nawalang mangingisda sa karagatan ng Catanduanes matapos itong magtangkang maglayag sakay ng kanyang bangka at mangisda sa gitna ng banta ng bagyong Mina.

Ayon sa PCG, nakilala ang nawawala na si Nelson Vergara.

Nabatid kay Lt. Commodore Algier Ricafrente, dakong ala-una ng hapon noong Huwebes at pumalaot ang biktima.

Makalipas ng ilang oras ay nakita na lamang ang kanyang bangka na iniindayog ng alon sa karagatan.

Posible umanong hinampas ng malakas na alon at hangin ang bangka na ikinahulog ng biktima. Jocelyn Tabangcura-Domenden

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply