Mangkukulam binaunan ng 3 tingga todas

TATLONG bala ng kalibre 45 ang ibinaon sa katawan ng isang ginang na inakusahang mangkukulam ng kanyang mga kapitbahay sa Ilokos Norte.

Nakaratay sa ospital sanhi ng 3 tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan si Josefina Taco-Taco, 50, ng Barangay Darat, Pinili, Ilocos Norte.

Tinutugis naman ng pulisya para panagutin sa insidente ang suspect na nakilala lamang na Alyas Boy, kapitbahay ng biktima.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 8:30 kaninang umaga sa tapat mismo ng bahay ng biktima.

Bago ito, nabatid na namatay ang nanay ng suspek kamakalawa lamang at ang pinagbibintangang may kagagawan nito ay si Taco-Taco na hinihinala nitong isang mangkukulam.

Kaya kahit nakaburol pa ang ina, nilusob ng suspek ang bahay ng biktima at nang  makaharap ay pinagbabaril ito hanggang sa duguang bumagsak sa sahig.

Matapos ikasa ang pamamaril ay tumakas ang salarin.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply