Manny Pacquiao isinugod sa ospital

ISINUGOD sa Cardinal Santos Memorial Hospital si eight division world champion at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Ayon sa report, mabuti na ang kalagayan ni Pacman na kinumpirma ng matalik niyang kaibigang si Ilocos Sur Gov. Chavit Singson.

Ani Chavit, naospital ang pound-for-pound king dahil sa  stress, puyat at sobrang pagod.

Kailangan umano ni Pacquiao ang pahinga ngunit wala naman itong sakit.

Gayunman, nag-aalala umano si Mommy Dionesia, at dumadalangin na magiging maayos ang kalusugan ng kanyang anak.

Matatandaang naghahanda si Pacquiao para sa nalalapit na laban kay Mexican figher Juan Manuel Marquez sa Nobyembre.

Ilang ulit nang isinugod sa ospital si Manny dahil pananakit ng tiyan at stress, ngunit laging sinasabi ng kanyang kampo na wala itong sakit.

Nag-aalala naman ang mga fans ni Pacman na makaaapekto ang pagod at stress na nararanasan ng mambabatas sa kanyang nalalapit na laban.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply