Maputak na ina kinatay ng anak

HINUKAY ng mga kagawad ng National Bureau of Investigation ang bangkay ng isang 53- anyos na ina na nilaslas ang leeg ng kanyang 25-anyos na sariling anak at ibinaon ang bangkay sa bodega ng sariling bahay sa isang subdivision sa Cebu City.

Kinilala ng NBI Region 7 ang biktima na si Rubirosa Tenchavez na pinatay ng kanyang anak na si Christian, isang nursing graduate, sa loob ng kanilang bahay sa Maria Gochan Subdivision sa Cebu City.

Umamin umano si Christian sa mga awtoridad sa kanyang ginawa at itinuro ang lugar kung saan niya ibinaon ang sariling ina.

Sa extra judicial confession ng salarin, sinabi nitong nag-away sila ng kanyang ina at pinalalayas siya nito makaraang malaman na sinira nito ang kanilang computer at nabasag ang isang tiles na sahig. Sa galit ni Christian ay kumuha ito ng kitchen knife at inundayan sa leeg ang kanyang ina ng dalawang beses na agad ikinamatay nito.

Humingi umano ng tulong si Christian sa kanyang kapitbahay na si Carmelo Echevalla upang ibalot ang kanyang ina sa plastik subalit natakot ang kapitbahay at tumakbo ito pauwi at nagsumbong sa ina nito.

Naghintay pa ang mga Ecevalla ng dalawang araw bago nagsumbong sa NBI dahil nagbanta umano ang suspek laban sa sinuman na magsusumbong sa krimen.

Nakumbinsi umano ni Christian ang dalawang kalaro sa basketball na maghukay sa loob ng kanilang bodega kapalit ang P300 piso at hindi sinabi sa mga ito ang dahilan na akala lamang nila ay isang poso negro.

Makaraan ang tatlong araw bunsod ng impormasyon ng mga kapitbahay ay humingi ng search warrant ang NBI sa RTC Branch 10 na inisyu ni Judge Solver Peras sa isinagawang paghanap sa bangkay at inaresto na rin ang suspek na ngayo’y hawak na ng NBI. Ben Reyes

loading...

About accounting

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply