Marami ang nag-aabang kay Claudine!

SA LUNES na ipapalabas ang bagong teleserye ni Claudine Barretto na “Iglot” disproving once and for all ang isyung ayaw raw niyang makasama sina Jolina Magdangal at Marvin Agustin sa naturang soap. Hindi rin totoong na-insecure siya dahil malaki ang role ng batang si Milkcah Wynne Nacion sa Iglot kaya nag-demand siya ng revision ng script. Sa katunayan, balitang inispoil niya nang husto si Milkcah sa set to the point na nagseselos na mismo ang sarili niyang mga anak.

“I have to explain to Sabina that it was only acting. Na-pretend lang ang lahat. Kasi naman sobang cute talaga ni Milkcah kaya bine-baby ko siya nang husto sa set. I guess, it’s not only me but the whole cast is smitten with Milkcah,” pahayag ni Claudine.

Hinanda na rin niya ang kanyang sarili na sabihin kay Sabina na isa siyang ampon. Sa katunayan, nagpapatulong siya sa DSWD sa tamang way na magsabi sa bata na hindi talaga sila ni Raymart Santiago ang tunay na mga magulang nito.

“Sabina is already seven. And I think it’s time for her to know the truth. Mahirap kasi kung lalo naming papatagalin ni Raymart na i-reveal sa kanya na she’s adopted. Baka lalo niya kaming i-resent later. Actually, nagtatanong na nga siya kasi minsan sa park ay may batang nanukso sa kanya ng ampon kaya nagulat siya. Doon na ako nataranta nang husto,” kuwento ni Claudine.

Aminado rin si Claudine na okey na sila ng kanyang sis na si Gretchen Barretto ngayon. Nagkita sila sa ospital nang maratay ang kanilang ama dahil sa isang heart attack. Basta stress-free raw siya ngayon at ayos na ang kalagayan ng kanilang daddy at okey na ulit ang relasyon nila ni Greta.

***

SUWERTE ni Maja Salvador kasi ang pelikula niyang “Thelma” is getting the main stream treatment kasi pumayag ang Star Cinema na i-distribute ito. Isa rin siya sa producers ng naturang indie film kasi ibinigay niya ang talent fee niya sa movie para makadagdag sa production costs nito. Hindi na siya nagdalawang-isip pa na tanggapin ang alok ni Direk Paul Soriano na maging co-producer ng pelikula kasi very proud siya rito. Nag-train siya mismo kay Elma Muros para lalong maging credible siya na i-potray ang life story ng sikat na runner.

May lumabas na intrigang pinagseselosan daw siya ni Toni Gonzaga dahil masyado siyang naging close kay Direk Paul na natsismis na pinopormahan daw siya. Dinenay ni Maja na may ganitong isyu pero hindi rin niya napigilang umiyak sa prescon dahil sa tanong na ito ng press.

As for Direk Paul naman, inamin niya na this is a non-issue. Very secured daw si Toni sa kanya. Four years na ang relasyon nila ng aktres and they’re still going strong! In the same manner, he’s also very secured kay Toni. Kahit sino pa raw ang maging leading man ni Toni sa mga ginagawang pelikula nito ay hindi na siya nagse- selos.

Sa usaping kasalan naman may malaking revelation si Direk Paul. “Well I’m turning 30 this October. And definitely when I’m in my 30’s there will be settling down,” pahayag ng gwapong director.

Gusto rin niyang ma-direk someday si Toni sa isang pelikula. Isang action movie na mala-Angelina Jolie ang gusto niyang project para sa kanyang GF. Gusto rin daw niyang idirek balang araw si Judy Ann Santos. Napanood daw niya ang “Ploning” at malaki ang respeto niya kay Juday bilang isang aktres.

***

SINA Solenn Heusaff, Kevin Santos at Paulo Avelino (na nag-ober da bakod na sa ABS-CBN) ang special guests sa Bubble Gang sa Biyernes. Kasama sila sa Eye Check-Up gags at Pick-Up Lines. Super laugh kayo sa Del Monte Spaghetti Sauce commercial spoof. Hindi Ka Pangit Anak sabi ng Indian Ninja sa Tata Twins. Apela naman ni Captain Baboy (spoof ng Captain Barbel) na Magsiluhod Tayo. Apir rin ang regulars na Balitang News at Moymoy Palaboy (Everbody by the Backstreet Boys).

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply