Marami nang umieksena Kay Nora Aunor!

HOW true na  nagkakagulo ngayon sa paligid ni Nora Aunor? Totoo ba na pinag-iinitan at malapit nang mawala ang isang taong laging kasama ng aktres?

Siya raw ang pinagbibintangan na nagkakalat sa tamad-tamaran isyu kay Ate Guy kaya hindi nakasipot sa second shooting day ng “El Presidente.” Kesyo dumating na raw kasi si John Rendez at ayaw mag-work ng superstar.

Pero ayon naman sa paliwanag, di naman daw true yun, nag-report daw si Aunor sa set na napakataas ng lagnat. Kesyo meron pang doktor na tumingin daw rito na nagsabing dapat munang magpahinga ang aktres ng mga dalawa o tatlong araw.

At saka na-pack up ang shooting ng superstar nung Sabado ng hapon. Kinabukasan pa ng umaga dumating si John. Kawawa naman si John na laging itinurong dahilan ng  hindi pagsu-shoot ng phenomenal actress.

Anyway, balita namin, nag-last shooting na si Ate Guy sa El Presidente’ nu’ng Sunday at nag-start na rin ang taping niya ng “Sa Ngalan ng Ina” ng TV5 nu’ng Monday.

Heto pang isang intriga, sina Suzette Ranilio raw at si Kuya Germs ay nagbabangayan din dahil nga kay Nora Aunor. Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkuwento sa amin na ayaw daw kilalanin ni Suzette si Kuya Germs bilang manager ni Nora Aunor. There is this notion na insecure si Suzette who plays God pagdating sa mga desisyon tungkol kay Nora Aunor. “Hindi ko kinikilala si Kuya Germs na manager ni Guy,”statement  diumano ni Suzette.

“Wala namang paki si Kuya Germs kung hindi siya kinikilalan ni Suzette. Ang sa kanya, concern lang, para nagtatanong lang si Kuya Germs kung saan at kailan ang schedule ni Guy, nagalit na siya, tama ba yun,” sabi ng kausap namin.

“Si Kuya Germs, nais niyang linawin, wala siyang perang hinahabol kay Guy, kahit kailan, kahit na noong unang panahon pa, siya’ng gumagastos para kay Nora Aunor, hindi siya nangungumisyon, tumutulong siya, kaya nga may tiwala sa kanya si Nora Aunor, walang perang involved ang samahan nila.

“Ewan ko lang diyan yung iba, ayoko nang magsalita pa, baka naman, komisyon ang hinahabol nila kaya halos nakikipagpatayan na sila para mapaboran ni Nora Aunor,” pagtataray pa ng kausap namin.

Oo nga, matagal na naming kakilala si Kuya Germs and all those years, marami na kaming nakitang tinutulunan niya, walang kapalit na komisyon.

“Hindi po ako nangungimisyon sa mga alaga ko, kaya nga hindi ako kinikilala ng PAMI, dahil hindi raw ako nangungumisyon. Nung unang meeting nila, kasali ako pero nang malaman nilang ako yung tipong di kumukuha ng komisyon sa mga mina-manage ko, hindi na nila ako isinali.

Sa akin okey lang, yun naman ang totoo, hindi ako nangungumisyon sa kanino mang tinutulungan ko,” sey niya nang makatsikahan namin sa Thanksgiving Party ni Sam Pinto sa Claire Resto sa Macapagal Avenue.

Tinanong din namin kung totoong mai-etsapuwera na sila ni Suzette dahil si Lala Aunor na raw ang magiging manager ni Nora.

“Siya ang humahawak ng schedule ni Guy,” tugon lang niya sa amin.

‘Yun na!

-0o0-

Mainit ang presscon ng ‘My Neighbors Wife’. Sinita si Carla Abellana ng isang veteran writer pero edukada pa rin niyang hinarap. Ang mali kasi kay Carla nagpadala pa siya ng mensahe sa Facebook na may pagbabanta na kung hindi babawiin ang isinulat ay magpapa-interview sa mga presscon para linawin ang mga isinulat niya.

Kaya naman, ang mismong writer ang nagpasimula sa open forum na linawin ang mga bagay-bagay. Sinabi naman ng kolumnista na ang sinulat niya ay base sa publicity slant ng Regal para sa My Neighbor‘s Wife kahit hindi sila nagkainterbyuhan ni Carla.

Mas lalong nagkatensyon nang magpahayag din si Mother Lily ng sama ng loob sa mana- ger ni Carla na si Arnold. Pero sinabi naman ni Mother Lily na wala siyang problema kay Carla dahil  mabait ito. Ang problema raw ay ang manager nitong si Arnold Vegafria. Sey pa ng Regal matriarch na may “breach of contract” sa kampo ng manager ng aktres. Ilang beses na raw nilang subukan na kontakin si Arnold pero wala raw silang natatanggap na sagot. Ang tinutukoy ni Mother Lily na “breach of contract” ay ang pagtanggap ni Arnold ng pelikulang Asiong Salonga kung saan gumanap na leading lady ni Gov. ER Ejercito si Carla gayung may existing contract ito sa Regal.

-0o0-

MGA nagguguwapuhang 22 males at naggagandahang 20 females ang mga kandidatang bumu- buo sa Hataw Super Bodies Bikini Open Year 6. Magaganap ang finals night ng timpalak na ito sa Setyembre 6, Martes, 8:00 p.m. sa Metro Bar, West Avenue, Quezon City.

Napili ang 22 males at 20 females mula sa daan-daang nag-go-see.

Ang 22 male candidates ay binubuo nina Paolo Dionio; Josh Cuenca; Arbie Silva; Miguel Rivera; Jared Alvero; Louie Thomas; Richard Bradley; Michael Abuzo; Renze David; John Leslie Lacson;  Justin Carlo Yutoc;Gene Isis Vergara; Haime Felix; Jerome Santos; Rommel Torres; Don Velasco; Wilson Costales; Jaype Cabanela; Edmarc Manalo; Jeriel Alfaro; Mc . Deveeh Dela Cruz; Mark Terrence Silvestre; Edmarc Manalo;Jeriel Alfaro; McDeveeh Dela Cruz; at Mark Terrence Silvestre.

Ang 20 female candidates naman ay binubuo nina Iana Alonzo; Melanie Lopez; Mimi Campbell; Gypsy Sarcon;Charlotte Reyes; Lorraine Ann Velasco; Denise Diaz; Vanessa Montemayor; Paloma Fortalejo; Bernadette Solero; Alexa Abelle Amber; Andrea Del Rio; Savanah Alley; Cinderella Samson; Cheska Lacson; Ashley Marie Mendoza; Christine Grace Almaden; Alona Robedillo; Jenny Eito; at Patricia Fontanilla.

Bago ang Final night, magkakaroon muna ng pre-pageant at talent night na magaganap sa September 2, Biyernes sa Bulwagang Plaridel, 5th floor, National Press Club, Intramuros Manila.

Ang Hataw Super Bodies Bikini Open Year 6 ay iho-host nina Bb.Pilipinas World Janina San Miguel kasama sina Miguel Mendoza at Richard Pinlac.

On going pa rin ang online voting para sa mga paborito ninyong kandidata. Para bumoto, mag log-on sa page ng Hataw Super Bodies Bikini Open Year 6 at hanapin ang link.

Para sa tiket, maaaring magtext o tumawag sa  710-0352 & 09215498931.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply