Maricel Soriano ipinagtanggol ni Direk Wenn Deramas

HINDI maiwasang mabanggit si Maricel Soriano at ang mga isyu involving her these past few days. Very good friend pala ni direk (Wenn Deramas) si Marya kaya ganun na lang ang suporta nito sa kanyang kaibigan. Pahaging ni direk, may isang grupo ng mga taong naninira lang sa kanyang kaibigan kaya sunud-sunod ang mga isyu na inimbento raw laban sa kanya.

“Hindi lang ba kayo nagtataka kung bakit, sa dimami-dami ng mga isyung sabay-sabay laban sa kanya, hindi ba kayo nagdudang may mga taong naninira lang sa kanya?” tanong pa nito.

Sino naman daw ang maninira at bakit siya sisiraan?

“Wala lang, inggit, siguro dahil sobrang ganda ng buhay ni Maricel kaya gusto siyang i-down,” dugtong pa nito.

Dun sa isyung mahirap na raw si Maricel at naibenta na’ng maraming properties, kinontra ito ni direk at inisa-isa yung mga natitirang kayamanan ng kanyang kaibigan.

“At heto ha, nagkuwento ang isang common friend namin, artista rin, minsan daw tinawagan si Marya ng isang kaibigang humingi ng tulong, ora mismo raw nagbigay ito ng malaking halaga.

“Yan ba’ng naghihirap, yan ba’ng sinasabi nilang walang natirang kayamaman, kayang tumulong sa kapuwa, hindi basta-basta ganun kalaking pera yung binigay niya dun sa humingi ng tulong sa kanya,” sabi pa ni direk.

Tuloy, naging pahulaan pa kung sino ba’ng kaibigan ni Marya ang binigyan niya ng malaking halaga?

Nag-one plus one tuloy ang ibang reporter na baka raw si Snooky yun. Lately kasi, si Snooky ay down, kaya suspetsa nila siya nga yun.

“Babae siya, ayaw ko nang pangalanan,” sabi pa ni direk.

When told na nasa Europe si Marya at dun nagtatago at nagbabakasyon, sabi ni direk Wen. “Europe, magastos dun. Yan ba’ng naghihirap, mag-isip po kayo!”

So there!

***

Totohanin na kaya ni Nora Aunor ang pangako niyang pagbabago?

MATAPOS ang walong taong pamamalagi si United States, eksaktong 1:45 ng hapon nitong Martes pumasok sa Boracay Hall ng Edsa Shangri-La Hotel si Nora Aunor para sa presscon na inihanda ng TV5 sa kanyang pag-uwi sa Pilipinas.

Bungad niya, sobrang na-miss siya ng kanyang fans at showbiz reporters.

Matapos ang mahihigpit na yakapan at mga maluha-luhang kumustahan – ‘yung ilang may edad nang showbiz reporters ay naiyak pa nga sa kaligayahan. Agad na umupo sa presidential table si Ate Guy at nakangiting  sinagot niya ang bawat question ng press.

Sabi ni Nora, umuwi siya sa Pilipinas para magtrabaho. At sa pagkakataong ibinigay sa kanya ng TV5 sa tulong nina German Moreno at Suzette Ranillo, sumumpa siyang ‘ibang’ Nora Aunor na ang kanilang makakatrabaho.

“Isang professional at masunuring Nora Aunor na ang inyong makakasama,” mariing wika ni Ate Guy.

“Ayokong mapahiya ang mga taong tumulong sa akin para makabalik ako sa showbiz dito sa ating bansa,” aniya pa.

Ayon kay Ate Guy, uunahin niyang gawin ang kanyang movie project with Gov. ER Ejercito na may tiulong “El Presidente.”

Sa panig naman ng TV5, sinabi ni Mr. Perci Intalan, ready na ang script ng drama mini-series ni Ate Guy at magte-taping na sila pagkatapos ng shooting ng pelikula with Gov. ER.

Tatlong buwan na mananatili sa bansa si Ate Guy. At ayon kay Mr. Intalan, magtatrabaho si Nora sa TV5 sa loob ng 20 days. Pagkatapos daw nito, puwede na siyang tumanggap ng ibang projects sa ibang networks o kaya naman ay bumalik na sa Amerika.

At dito puwedeng kumita ng limpak-limpak si Nora Aunor. Kumbaga, bago siya umuwi sa Amerika ay baka yumaman na siya at tuluyang magbuhay-reyna sa United States.

Sa kaugnay na mga balita, sinasabing sa loob ng ilang araw, uuwi rin sa Pilipinas si John Rendez. Ipinapalagay na si John ang dahilan kung bakit bantulot na umuwi si Nora Aunor at tiniyak munang makauuwi ito na kasama nga rito.

Aabangan natin ngayon kung may katotohanan ang pala-palagay na ito.

Pero mas masarap na abangan kung taos sa puso ni Nora Aunor ang pagbabago. Hindi na nga kaya siya maging pasaway habang nandito siya sa Pilipinas?

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply