Mark Herras sinagot ang pagda-drugs

MASAYANG-MASAYA si Mark Herras dahil nagkaroon siya ng danserye kung saan bukod sa pag-arte, maipakikita rin niya ang galing sa pagsayaw.

“Matagal ko po itong hinintay. Araw-araw ang taping. Okey lang dahil nandoon ako sa target na gusto kong ma-achieve this year. Yung trabaho ko, Kasi marami nang napabalita before na wala na si Mark. Puro negative.

“Hindi ko naman sinasabing ipu-prove ko sa kanila na hindi ako nawala. “Parang gusto ko lang ipakita sa kanila na nagpahinga lang naman ako. Ito yung inaantay kong show.

“Perfect show ito para sa akin at hindi lang basta ito sayawan. May drama rin ito. Nandito lahat. Big cast. Tapos, lola ko ulit si Tita Caring (Caridad Sanchez).

“So, happy na ulit. Lahat kami nagtutulungan,” pahayag ni Mark sa presscon ng “Time of My Life.”

Tungkol naman sa isyung nagda-drugs siya dahil pumapayat at napabayaan nga ang showbiz career, ito ang sagot ni Mark: “Wala naman talagang drugs! Kayo talaga, lagi ninyo ko niloloko kapag ini-interview. Ganito yan. Ako mabilis tumaba. Pero once na sunod-sunod ang ….,” bitin na sagot ni Mark. Puyat daw talaga ang kalaban niya kaya siya pumayat. Kaya ngayon ay nagpapahinga at natutulog na siya sa tamang oras.

***

BONGGANG preparasyon ang inihanda ng TV5 sa pagbabalik ni Nora Aunor dahil sa isang five-star hotel pa ginanap ang presscon ng Superstar.

Sa pagbabalik ni Ate Guy ng bansa, dinagsa talaga siya ng mga katanungan na matagal nang gustong malaman ng press at mga tagahanga niya kung totoo ba o gawa-gawa lang ang mga intriga sa kanya para siya ibagsak nang tuluyan.

Anyway, dahil ang TV5 ang nag-ayos ng bonggang presscon sa pagdating ni Guy, sa Kapatid network siya gagawa ng teleserye habang siya ay nasa Pinas.

***

NABITIN ang mga follower ng “Comedy Bar” noong Sabado sa GMA 7 pagkatapos ng “Imbestigador.”

Sa rami kasi ng mga nagsipuntang celebrity para bumati sa first year anniversary ng show hosted by Allan K, Eugene Domingo, Fabio Ide, Beergins at Six Feet Long Band ay kulang ang isa`t kalahating oras.

Pero huwag manlumo ang mga nabutin sa show dahil part 1 pa lang naman ang napanood nila dahil sa susunod na Sabado ay mapapanood nila ang part 2 ng first year anniversary ng Comedy Bar.

Ilan sa mga celebrity na nagbigay pugay sa anibersaryo ng show ay ang tandem nina Jose Manalo at Wally Bayola na first time lumabas at nakigulo kina Allan at Uge.

Sabi ni Jose, hindi raw puwedeng hindi batiin ang first year anniversary ng show ni Allan K dahil kaibigan niya ito at kasama sa Eat Bulaga.

Anyway sa part 2 ng anniversary presentation ng Comedy Bar ay mapapanood ang mga dumating pang celebrity para bumati at nagbigay kasiyahan.

Dahil sa dami ng mga tao dumagsa sa Zirkoh, Tomas Morato, Quezon City kung saan ginanap ang show ay nangako si Allan na once a month ay sa Zirkoh gaganapin ang Comedy Bar.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply