Mart Escudero handang maka-kissing scene sina Chocoleit, Diego

MAY mapapaglalaruan na naman ang press sa pelikulang “Zombadings: Patayin Sa Shokot si Remington” at ito ang loveteam nina Martin Escudero at Kerbie Zamora dahil sa kanilang eksenang lips to lips. Maraming mga badingerzi ang napanood ng special screening at dahil aliw na aliw sa mga eksena ay gustong panoorin nang paulit-ulit ang movie.

Would you believe, pati mga stright guys ay nag-enjoy sa panonood dahil maganda daw ang execution ng nasabing halikan ng man-to-man. Hmmmpt, if I know!

Actually sa birthday party ni Mother Lily ay napag-usapan ng ilang press ang kahusayan ni Martin sa pagganap ng bakla sa Zombadings. Nagtanungan kung sino ang nagturo sa aktor para maka-arte ng gan’un ka galing hanggang sa ending,  napag-alaman na kasama siya sa kuwadra nina ni Marian Rivera at Dennis Trillo. Next frame, wala lang, wah na spluk hehe….

We had a brief interview with Martin sa canteen ng TV5 at ayon sa kanya, hindi siya dapat pagdudahan kung mahusay nitong nagampanan ang papel ng isang bakla. Wala siyang pagdududa sa kanyang kasarian at aniya, ang tunay na lalaki ay sila ‘yung nakapagbibigay ng tamang arte at emosyon kumpara sa bakla o pamintang aktor na may inhibition sa pag-arte na baka mabuking ang kanyang pagka-she-man.

Oo naman!

Nilinaw nito na kaya niya itnanggap ang role na bakla sa said movie ay dahil nagandahan siya sa istorya nang matanggap nito ang script. Naiiba daw ito at very off-beat na kapag magampanan ng tama ay puwede siyang tatanghaling mahusay na aktor na nangyayari sa kanya ngayon dahil sobrang na-appreciate ng kanyang pag-arte.

Natanong namin siya sa naging reaksyon ng kanyang ex na si Janina Garcia.  Aniya,”Wala naman, di pa naman kami nagkausap tungkol sa movie. Hindi pa niya napanood siguro ang movie. Okey naman siguro sa kanya dahil arte lang naman ‘yun at artista din siya.”

Hindi ka ba takot na starting sa Zombadingz ay ma-type cast ka sa role na bading?  “Walang problema naman doon, may susunod pa nga akong gagawin eh. No, hindi naman part two ‘yun. Wala namang problema basta maganda ang material.”

How was your kissing scene with Kerbie, “He he he sobrang nakakailang. Iba pala ang labi ng lalaki, matigas hehe. Imagine, 20 seconds ang kissing scene namin, hehehe… ”

Sa susunod bang gay role mo, handa ka bang mag-play ng callboy at makikipaghalikan sa mga bading tulad nina Chocoliet at Diego?  Aniya, “Why not? Okey lang sa akin, trabaho lang naman ito. Saka, si Chocoliet ‘ata yan at sikat pa at ganun din naman si Diego.”

****

Tita Swarding instrumento sa pag-uwi ng isang beteranong manunulat sa tulong ng ‘Wish Ko Lang’

WE’RE happy to hear na si Tita Swarding of DZHR ang naging instrumento para makapasok sa “Wish Ko Lang” ang beteranong manunulat na si Pol Sorsogon para makauwi sa kanyang bayang Iloilo City.

Magaling na manunulat si Pol pero sa hindi namin alam ang dahilan kung bakit ito naghirap at nawala sa pagsusulat. Ang sabi ng iba, isa na itong taong grasa na madalas natutulog sa Luneta at sa mga kaibigan.

Sa ngayon ay kapiling na ni Pol ang kanyang kapatid at mga kamag-anak sa Iloilo.  Maliban sa pamasahe pauwi, binigyan siya ng programang Wish Ko Lang ng GMA-7 ng cell-phone unit, laptop at kabuhayan showcase to start a new business.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply