Martin del Rosario gagayahin si Coco Martin

MAGANDA ang naidulot ng closeness ni Martin del Rosario sa kanyang co-star sa “Minsan Lang Kitang Iibign” na si Coco Martin dahil lalong nahasa ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

Inamin nitong may mga pagkakataong binabati siya ng huli dahil sa maganda ang kanilang batuhan ng emosyon at linya sa kanilang mga eksenang magkasama.

Ang maganda rito, gusto niyang gumawa ng indie films na pinanggalingan ni Coco. Pero ang magiging problema lamang nito ay nasa mainstream na siya kaya parang mahirap sa kanya ang pumunta sa indie films maliban lang kung desisyon ng management na gumawa siya ng gan’ung klaseng pelikula.

Naniniwala siya na malaking tulong ang pagbo-bold ni Coco dahil doon ito napansin hanggang nakapasok sa mainstream. Magkagan’un man, mataas ang pagtingin nito sa kahusaya sa pag-arte ng aktor at secondary lang ang pagbo-bold.

“Isipin mo na nagbo-bold ‘yan pero hindi magaling umarte, so puwedeng makikilala siyang bold star lamang. But since, magaling siya, ibang image na ang kanyang nai- project sa tao.”

Kung siya ang masusunod ay gusto nitong mag-indie lalo na ‘yung may kalidad na puwedeng ipapadala pa sa internaional filmfest. At masuwerte siya dahil nabigyan siya ng isang proyekto ng Cinema One at ito ang “Dagim” kung saan napansin ng iba’t ibang award-giving body dahil sa kahusayan ng pag-arte.

College student sa UP si Martin kaya di nakakapagtataka na magaling itong sumagot sa mga tanong noong binigyan siya ng Thanksgiving presscon ng BNY bilang celebrity endorser. Dito siya nagbigay ng pahayag, kung iisa lang ang pinagmulan ni Coco ay gagawin din nito ang ginawang paghuhubad ng aktor pero agad itong bumawi, dapat may limitasyon ang pagpapakita ng kanyang kabuuan.

“Depende naman ‘yan sa execution ng direktor, tatanungin ko muna siya kung ano ang ipapagawa niya sa akin para maalagaan naman ang aking exposure.”

Puwedeng isiping ‘blessing in disguise’ ang pagkamatay ni AJ Perez dahil sa kanya napunta ang mga proyektong nakalaang gawin ng namayapang aktor.

Pero iba ang paniniwala ni Martin. “Ayokong isiping ‘blessing in disguise’ ang nangyari, ayokong isipin na ganoon kasi matalik kong kaibigan si AJ. Mas maganda ‘yung since nawala ang isang aktor ay nakakita sila (management) ng potensyal sa isang pang aktor. Siguro, destiny lang talaga.”

Sa katatapos lamang ng top rater na ‘Minsan Lang …’ ay hindi si Coco ang palaging kaeksena nito kundi si Andi Eigenmann tulad ng mga eksenang comfrontation at break-down.

Hindi lingid sa kanya ang pagbubuntis ng aktres pero hindi niya ito ikinalungkot kahit sa labas ng showbiz ay talagang magkaibigan na sila. Bagkus, ikinatutuwa nito ang nakikitang masayang-masaya ang aktres sa kanyang kalagayan sa set.  Naniniwala siya na pagkatapos manganak ito at makapagbawas ng timbang ay agad makakabalik ang aktres dahil magaling itong artista.

“Sinabi ni Andi, si Albie!” Ito ang naging maigsing sagot ng aktor sa tanong kung alam ba nito ang ama ng dinadalang sanggol ni Andi.

Dagdag nito, “Hindi ko pa narining ang side ni Albie. So, naka-side muna ako kay Andi. Magkaibigan kami ni Albie pero ayaw kong ikumpronta kung siya ang ama ng bata.”

Speaking of BNY, sikat na nga ang 18 year old actor dahil sa kanya ipinagkatiwala ang endorsement ng product line ng nasabing kompanya. Ayon sa kanya, basta isuot lang nito ang mga produkto at palaging dadalo sa mall show ng BNY, malaking tulong na ‘yon para makilala ang kanyang kasuotan.

Is he ready for a sexy pictorial with only jeans on?

Napangiti na lamang siya sabay ang pagsabing hindi pa siya physically fit para magpakita ng katawan. Inamin nito na kailangan pa nitong mag-gym para maging hunk and that will be the only time na handa na siyang ipakita ang dapat ipakita.  Ika nga, if you have it, flaunt it!

May pagka-pilyo huh!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply