Mas daks daw kasi kaysa sa ex: Arnel Ignacio inlababu na sa member ng Hotmen

DEADMA na si Arnel Ignacio sa ex-Papang si Suzuki Sudutsaga. May bago na palang kinaiinlaban ang radio and teevee host entertainer sa katauhan ng newcomer na sexy singer-actor na si Kenneth Salva na miyembro ng Hotmen na mina-manage ni Gorgy Rula. Nakilala ni Arneli itong si Kenneth nang magkasama sila sa isang Indie film na hindi pa naipalalabas. At panalung-panalo ang nasabing gay comedian (Arnel) dahil may torrid kissing scene sila ni Kenneth sa movie.

Feeling raw nito ay nagdadalaga palang siya dahil nanginginig ang kalamnan ng ex ni Suzuki habang kinukunan ang lovescene nila ng natipuhang aktor.

Ang ending, after ng kanilang shooting ay naging super close na ang dalawa at ngayon ay madalas magkita at alam nyo na kung ano ang kasunod nun.

Pero bakit napakadali namang palitan ni Arneli itong si Suzuki samantalang before ay talagang ipinaglalaban pa niya ang Fil-Japanese actor sa girlfriend nito. Well, baka naman kasi mas daks itong si Kenneth compared sa produkto ng Survivor.

By the way, kagagaling lang daw ni Arnel sa Japan kung saan rumaket ito roon.

Wow, daming yen na dala ng bading para kaya sa bagong Papa niya ito? Just asking lang gyud!

***

Carmina Villaroel muling sumabak sa drama via ‘Pahiram Ng Isang Ina’

LAST Monday ay napanood na ang Pahiram Ng Isang Ina, ang panghapong serye sa GMA 7 na nagsisilbing comeback ni Carmina Vilaroel bilang drama actress at de-kalibre pa ang director na si Joel Lamangan. Kasama rin sa cast sina Maxene Magalona bilang si Andrea na pinsan ni Emily, na ginagampanan ni Carmina.

Naririto rin ang dalawang sa hottest teenstars ng Kapuso na sina Bea Binene at Jake Vargas bilang sina Berna at Luke.

Sa pagtutulungan nina Direk Joel Lamangan at Head Writer na si Denoy Navarro-Punio, ipapakita ng Pahiram ng Isang Ina na hindi kayang punan ng yaman ang kakulangan sa mahahalagang bagay tulad ng pamilya, pagmamahal at tiwala.

At dito tatakbo ang istorya ng nasabing serye na tiyak na aantig sa puso ng lahat ng mga manonood. Si Emily, isang mabuti at matagumpay na negosyante. Sabik siyang magkaroon ng pamilya dahil siya ay lumaking ulila sa mga magulang. Subalit dahil sa hindi magandang karanasan, hindi niya magawang magtiwala sa mga tao liban sa kanyang mga kasambahay. May dumating na trahedya sa buhay ni Emily kung saan siya ay dinukot at nalagay ang kanyang buhay sa panganib.

Ang magkapatid na sina Berna (Bea) at Andoy (Martin Delos Santos) ang nakakita sa kanya at tumulong para madala siya sa ospital. At dulot ng trauma sa nangyari, naging tulala si Emily at hindi na makapagsalita. Palagi siyang dinadalaw ng magkapatid at hindi nila itinatanggi tuwing napagkakamalan silang anak ni Emily. Nang malaman naman ni Andrea (Maxene) ang pagpapanggap na ito, sinuportahan pa niya sina Berna at Andoy. Umaasa siyang makatutulong ang pagmamahal ng dalawa sa agarang paggaling ng kanyang pinsan. Dahil sa kalagayan ni Emily pinamahalaan muna ni Andrea ang negosyo nito at pag-aari. Labis ang malasakit ng dalaga kay Emily at madalas ay wala na siyang panahon para sa boyfriend na si Ryan (Marco Alcaraz).

Samantala, may hatid na problema ang pagbabalik ng dating asawa ni Emily na si Johnny (Antonio Aquitania) at ng anak nitong si Luke. Alam ni Johnny na napamahal na kay Emily ang kanyang anak at hindi sila papayag ng nobyang si Eloisa (Bubbles Paraiso) na makahati nito sa mana sina Berna at Andoy. Magtagumpay kaya ang magkasintahang ito (Johnny at Eloisa) sa kanilang mga maitim na binabalak kay Emily? Sundan ang mga tagpong ‘yan sa Pahiram Ng Isang Ina, lunes hanggang Biyernes pagkatapos ng pabo- rito nyong Eat Bulaga. Kasama rin sa cast ng drama series na ito sina Tony Mabesa, Jim Pebangco, Shyr Valdez, Rita Iringan, Mike Magat, Ama Quimbao at marami pang iba.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply