Masasakit, nakamamatay na kuwento sa dengue

NAPAKALAGANAP na ng Dengue kaya naman may dalawa nang lalawigan ang nagdeklara ng steyt op kalamiti: ang Ilocos Sur at La Union.

Marami naman ang mga idinideklarang hot spot na mga munisipyo at barangay ang Department of Health sa loob at labas ng Metro Manila, sa Kabisayaan at iba pang lugar.

oOo

Walang gamot sa dengue at umaasa lang ang DOH sa lakas ng katawan ng mga biktima na lumaban.

Kaya naririyan ang mga pantulong sa mga naoospital para makasubaybay gaya ng suwero at pagkain.

Ang kawalan ng gamot ay talaga namang masakit at nakamamatay na katotohanan.

oOo

Masakit at nakamamatay rin, Suki, ang kahirapan.

Dahil sa kahirapan, maraming tinatamaan ng dengue ang hindi man lang makatuntong sa mga ospital.

Sa mga lalawigan, malalayo ang mga ospital na may kakayanang makipagtagalan sa laban sa dengue.

Por eksampol ang Cagayan Valley Regional Hospital na nasa Tuguegarao City.

Daang kilometro ang layo nito mula sa mga malalayong bayan at barangay.

Namamatay pati sa pag-iisip ang mga may pasyente sa  mahal ng pamasahe at baon para sa tatlong linggong pagkaka-ospital.

oOo

Sa kabilang banda, naririyan naman ang awayan ng mga kongresman ukol sa pork barrel na hindi ibinibigay nina PNoy dahil sa ipitan sa pulitika.

Pero naniniwala ba kayong may ilalaan ang mga diyaskeng kongresista laban sa dengue at pang-ahon sa mga biktima nito?

Mas interesado pa, Suki, ang mga ito na kuwentahin ang kanilang 20% tongpats sa paggagamitan ng kanilang pork barrel.

Pakunsuwelo de bobo lang ang para sa dengue.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply