Mason pinugutan ng mga katagay

HALOS balat na lamang ang nag-uugnay sa ulo at katawan ng isang mason nang madiskubre ng kanyang mga kapitbahay sa loob ng kanyang barong-barong makaraang pugutan ng kanyang mga kainuman, sa Antipolo City kaninang madaling-araw.

Kinilala ni antipolo City chief of Police P/Supt. Rodino Elfa ang biktima na si Alfonso Altupena, 38, ng  #187 Xenia St., Greenheights Subd., Brgy. Mayamot, nasabing lungsod.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang tatlong suspek na sina Christopher Hugman,  Judy Omero at alyas Joy na huling nakainuman ng biktima bago natagpuang wala nang buhay.

Sa ulat, nadiskubre ang bangkay ng biktima dakong 7:00 ng umaga sa loob ng kanyang barong-barong ng isang Marisol Celorio na maniningil umano ng pautang sa biktima.

Laking gulat nito nang makita ang duguang katawan ng biktima at agad na ipinaalam sa ibang residente na tumawag naman sa himpilan ng pulisya.

Nauna rito huling nakitang buhay ang biktima dakong 7:00 ng gabi sa kanyang bahay habang kainuman ang mga suspek.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply