Mass blood donation isasagawa sa Kyusi

MAGKAKAROON ng  mass blood donation ang Quezon City Health Department sa Lunes para makatulong sa mga biktima ng dengue sa lungsod sa kabila ng wala namang kakulangan sa suplay nito sa mga pampublikong ospital ng lungsod.

Sinabi ni Dr. Antonietta Enumerable, pinuno ng Quezon City Health Department, target nila ang makakolekta ng 100 bag ng dugo.

Noong nakaraang taon nang magsagawa ng mass blood donation ang lungsod ay nakalikom lamang sila ng 60 bag.

Dahil dito, muling kumakatok sa publiko si Enumerable na makibahagi sa bloodletting na tatawaging “Dugo Para sa Dengue.”

Sa pinakahuling datos ng Health Department ng lungsod nasa 3,447 na ang kaso ng dengue kung saan 29 dito ang namatay.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply