Massacre suspect sa Batangas nahuli na

NADAKMA na ng puilsya ang pangunahing suspek sa pag-masaker sa tatlong katao sa Batangas kasabay ng pagsasampa ng kasong multiple murder laban dito, ayon sa ulat ng pulisya Martes ng umaga (Agosto 30).

Sinabi ni Senior Inspector Joel Bustamante Laraya, hepe ng Lian police, ang suspek na si Ronald Mendoza, 25-anyos, ang mismong pumatay sa kanyang tiyahin na si Merlita Austria at dalawang pinsan nitong sina Emmanuel at Emelita Austria noong nakaraang Sabado sa bahay nila sa Lian town.

Ayon kay Laraya, nakatanggap sila ng impormasyon na si Mendoza ay nagtatago sa may tabi ng Bacalaran church sa Parañaque simula nang mangyari ang pagpaslang sa pamilya Austria.

“Tiniktikan na namin ang asawa niya at hindi na namin nilubayan bukod pa roon ay may nakuha rin kaming informant sa loob, nagbigay sa’min ng info na may text na yung asawa na makikipagkita at pinasundan ko na yung asawa niya,” pahayag ni Laraya.

Hindi naman nakapalag pa si Mendoza nang palibutan ng mga tauhan ng Lian police ang kanyang pinagtataguang bahay ng kanyang asawa at sumuko ito ng matiwasay.

Sa presinto, inamin ni Mendoza na siya ang pumatay sa kanyang mga kamag-anak nang magdilim ang kanyang paningin matapos hindi umano siya pahiramin ng pera ni Emmanuel.

Sa resulta ng awtopsiya, lumabas na nagtamo ng 14 na saksak sa iba’t ibang parte ng katawan si Merlita habang walo naman kay Emmanuel at pito naman kay Emelita.

“Nag-black out na rin yung isip ko kasi ganun na nga, di ako makapaniwalang nagawa ko yung bagay na yun. Ako’y humihingi ng kapatawaran sa nagawa kong kasalanan. Sana mapatawad ako ng aking Tiyo Danilo,” pahayag ni Mendoza sa parehong ulat.

Pero para kay Danilo Austria, mister ni Merlita at tatay nina Emmanuel at Emelita, hindi niya mapapataawad ang kanyang pamangkin at dapat panagutan nito ang krimeng ginawa nito.

“Dapat i-implement ang batas, maparusahan talaga,” pahayag ni Danilo, na isang seaman, na patulak na sana sa Malaysia nang maganap ang insidente.

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply