Mataas na ani ng palay at mais naitala

NAITALA sa bansa ang pinakamataas na naaning palay at mais ngayong unang anim na buwan ng 2011.

Ito ang ipinagmamalaki ni Agriculture Secretary Proceso J. Alcala dahil umangat ang produksiyon ng naaning palay ngayong unang semestre ng taong 2011 na umabot hanggang 7.577 million metric tons (MT), na 14.4 percent (%) na mas mataas kumpara sa naging ani ng nagdaang taon na 6.621 million MT ng kaparehong period.

Gayundin sa produksyon ng mais na pinakamataas ngayong taon sa kasaysayan ng bansa na umabot ng 3.309 million MT, na  37% mas mahigit kumpara sa naging produksiyon ng mais na 2.415 million MT. noong nagdaaang taon.

Ayon pa kay Secretary Alcala ang nasabing record  aniya ay bunga ng pinalawak na harvested area at pagdaragdag ng tanim sa bawat ektarya ng tanimana.

Batay sa naging record noong unang semestre noong 2009 (7.376 million MT) at noong  2008 (7.121 million MT), at sa mais naman noong 2008  ay (3.293 million MT) at noong 2009 ay umabot ito ng  (3.218 million MT).

Ang pinalaking  harvested area ay sa Western Visayas at Cagayan Valley.

Dahil dito bawat ektarya ng lupain dito ay kayang mag produce ng 3.8 tons (o 76 cavans na 50 kilos bawat isa . na mahigit 3 kaban ang itinaas kumpra noong isang taon na 3.64 tons kada ektarya.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply