Matapos makipaglibing: 14 katao sugatan sa bumigay na bahay sa CDO

SUGATAN ang may 14 na katao kabilang ang isang babaing buntis makaraang bumigay ang dalawang palapag na bahay habang nanananghalian ang mga nakiramay galling sa libing sa Accreation Brgy. Macabalan sa lungsod ng Cagayan de Oro.

Nabatid sa may-ari ng bahay na si Edna Bacalso na kakauwi lamang nila galing sa paglibing ng kanilang mahal sa buhay. Habang nasa kasagsagan ng kanilang pananghalian ay biglang bumigay ang sala ng kanilang bahay.

Napag-alaman pang karamihan sa mga sugatan ay mga kabataan akabilang na nga ang isang babaing buntis.

Nasa mabuti na rin naming kalagayan ang mga biktima at nakatakdang lumabas na sa pagamutan ang ilan sa kanila.

Inamin ng may-ari ng bahay na hindi matibay ang pundasyon kaya bumigay ang umabot sa 40 katao nang umakyat sa pangalawang palapag nito.

loading...

About admin

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply