Matapos patayin ang isang mag-utol, kelot nagpakamatay

MATAPOS tigbakin ang isang magkapatid at masugatan ang isa pa, isang lalaki ang  agbaril sa sarili para takasan ang ikinasang krimen sa Laguna town city.

Nagtamo ng isang tama ng bala ng kalibre 38 sa kanang sentido ang suspek na si Ariel Almare, 30-35-anyos at namatay noon din sa pinangyarihang lugar.

Dead-on-the spot naman sanhi ng tama ng bala ng hindi pa malamang kalibre ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan  ang mga biktimang sina John Detaunan, 23 at ang nakababatang kapatid ba si Johanes, 17-anyos.

Habang ang kanilang pinsan na si Jesus Sumadsad, 24, ay nasa kritikal na kondisyon sa ospital sa lungsod, ayon sa pahayag ni San Pablo City police  chief Superintendent Ferdinand de Castro.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, naganap ang insidente dakong 11 nitong Miyerkules ng gabi sa Barangay San Antonio 1, San Pablo City.

Ayon kay De Castro, bago ang insidente ay pinag-aawayan ng suspek na si Almare at ng biktimang si Sumadsad ang isang hindi pinangalanang babaeng may pananagutan na sa buhay at naririnig silang nagtatalo sa bahay nito ng bandang 7:30 kagabi.

Pumunta aniya si Sumadsad at ang magkapatid na Detaunan sa isang computer shop sa San Antonio ng nabanggit na oras at nadatnan doon si Almare.

Nakaramdam ng panganib, biglang umalis si Almare pero bumalik din na armado na ng .38 caliber pistol, at sinimulang pagbabaril ang mga biktima.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply