Matteo iwas-pusoy pa rin kapag pinag-uusapan si Maja

INAMIN ni Matteo Guidicelli na madalas silang lumabas ni Kim Chiu.

“Hindi, marami kami, marami kami. Last week nasa bahay nga kami nag-barbecue kami nina Kim, sila Direk Malu (Sevilla, “My Binondo Girls’s” director).”

Click ang tambalan nina Maja Salvador (na espesyal na babae ngayon kay Matteo) at Coco Martin dahil sa “Minsan Lang Kitang Iibigin.”

Nakikita ba niya na mangyayari rin ito sa kanila ni Kim dahil sa My Binondo Girl?

“Alam mo, trabaho talaga and gagawin ko ang lahat para sa trabaho ko, di ba? Whatever it takes to do with Kim, I’ll do it, you know, for the work, or the love of the work. I’m very, very happy for Maja, na sobrang patok yung ano nila, di ba, yung loveteam nila, yung Minsan Lang, sobrang galing. Iba e, ang ganda.”

“Okay lang naman na magligawan sila, wala namang problema yun, di ba? Free world naman, puwedeng gawin, pero at the end of the day,  ang desisyon ng bawat isang tao, di ba sila, desisyon nila. Pero ako, trabaho lang ako.”

Puwede pa bang ligawan si Maja?

“Si Maja? Oo naman, oo naman, kahit sino, puwede-puwedeng-puwede.”

As of this moment, ano ba ang relasyon nila ni Maja?

“We are not committed or anything, but we are very very close.”

“Hindi ko alam kung MU, basta hindi ko talaga alam.”

So, okay lang sa kanya kung may manlliligaw kay Maja?

“Walang problema po yun, walang problema yun. Kahit sino, it’s a free world, you know. Yeah kahit sino walang problema.

“Si Kim Chiu na lang pag-usapan natin,” ang tumatawang pagtse-change topic ni Matteo.

O si Kim ba liligawan niya?

“Kim Chiu is  a very, very wonderful person! Wala akong complaints kay Kim, sobrang blessed ako na makatrabaho siya, na we’re here [ sa show]. Cebuana siya, Cebuano ako so parang mas nakaka-relate kami, e.”

Nung na-broken-hearted si Kim, ano ang mga advise na ibinigay niya dito?

“Ah yun, ‘Kim, just be strong! You know, kami lahat we’re all here for you, mga kaibigan, and we’re all here for you. Just be strong’, iyon.”

Hindi ba siya nagseselos kay Jolo Revilla (na gumaganap bilang si Onyx na isa rin sa mga leading men ni Kim sa MBG); na parang mas nakakalamang ito sa panunuyo kay Kim? Balita ngang minsan ay 50 siomai ang dala ni Jolo para kay Kim sa taping nila.

“Ah wala pong selosan. Oo nga, kailangan nga po mas kumita ng marami para mas marami akong siomai na madala,”pagbibiro ni Matteo.

May movie silang gagawin ni Maja…

“Yes po, meron, meron pero hindi ko pa alam kung kailan e.”

Yung kina Maja at Coco work; yung sa kanila ni Maja, pang-personal?

“We have fun with each other and we enjoy each other’s company.”

Bukod kina Kim (as Jade/Yuan), at Matteo (na gumaganap na Trevor Wu), nasa My Binondo Girl sina Jolo Revilla (as Onyx) at Xian Lim bilang si Andy Wu.

Mapapanood rin sa drama-comedy show na ito sina Ms. Ai Ai delas Alas bilang si Zheny, Cherry Pie Picache bilang si Jean Sy,  Glydel Mercado bilang si Ningning Wu, Ricardo Cepeda as Edison Wu, Laureen Uy as Amethyst Sy, Richard Yap bilang si Chen Sy, at si Miss Gina Pareño bilang si Lola Amor.

Ang My Binondo Girl ay sa direksyon ni Malu Sevilla.

-0o0-

Mag-e-enjoy na makakatulong pa bukas (Linggo, Agosto 21), 10 p.m. naman ay isang benefit show para kay Joseph Bitangcol ang inorganisa ng ilang kaibigan sa entertainment press katuwang ang pamunuan ng Zirkoh Morato na sina Lito Alejandria at Allan K.

Nang malaman ng ilang kapwa artista ni Joseph ang naturang benefit show ay hindi sila nagdamot na mag-perform bukas para sa kanyang major operation. Ilan sa nangakong susuporta ay sina Allan K, Jose Manalo at Wally Bayola, JC De Vera, Marissa Sanchez, Edgar Allan Guzman, Joross Gamboa at mga ka-batch niya sa SCQ, Mocha Girls, Arce Munoz, Wonder Gays, Mariposa, Luningning, Milagring atbp.

Makiisa at manood sa mga makabuluhang proyekto na ito.

-0o0-

DAHIL walang GF si Xian Lim, paano pag itsinismis siyang bading? Natsimis na ba siyang bading?

“Wala pa naman akong nabasa, wala pa naman akong naririnig.

“Let them think what they wanna think, I can’t please everyone, basta alam ko deep down inside who I am.”

Sino ang mga crush niya sa showbiz?

“Lahat naman kasi magaganda, lahat sila magaganda.

“But the top one would be siyempre my leading lady right now, who is Kim.

Ano ang meron si Xian na puwede niyang itapat sa dalawa pang leading men ni Kim sa My Binondo na sina Matteo Guidicelli at Jolo Revilla?

“Well ang meron ako dito ang masasabi ko, I’m very dedicated, I’m very focused.”

Sina Matteo at Jolo ay hindi focused at dedicated?

“Hindi, ang sinasabi ko, ako, I’m speaking for myself,” natatawang sinabi ni Xian.

Bukod kina Kim (as Jade/Yuan), Xian at Jolo (as Onyx) at Matteo (asTrevor Wu), mapapanood rin sa My Binondo Girl sina Ms. Ai Ai delas Alas bilang si Zheny, Cherry Pie Picache bilang si Jean Sy, Glydel Mercado bilang si Ningning Wu, Ricardo Cepeda as Edison Wu, Laureen Uy as Amethyst Sy, Richard Yap bilang si Chen Sy, at si Miss Gina Pareño bilang si Lola Amor.

Ang My Binondo Girl ay sa direksyon ni Malu Sevilla.

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply