May ‘giyera’ ang mga tao sa paligid ni Nora Aunor

HETO na, hindi na namin masabi kung ang mga kasalukuyang umiikot na istorya sa mga kaguluhan sa buhay ng mga taong nakapaligid kay Nora Aunor ay sadyang ipinakakalat lang, upang magpatuloy ang init ng superstar, kumbaga, para ma-sustain ang interes ng publiko habang naririto siya.

Iginigimik lang ba’ng mga kuwento bilang bahagi ng sinasabi naming sinasadya nila itong ipakalat?

Mgulo nga raw ngayon ang loob ng kampo ni Nora Aunor. Totoo nga naman, hindi nawawa -lan ng pinag-uusapan sa kanya, at isa na rito yung balak daw mag-resign ng isang lady reporter within her camp dahil pinag-iinitan ito ng ilan pang mga taong kasangkot ngayon sa buhay ni Nora Aunor. Diumano, ang lady scribe daw ang pinagsususpetsahang siyang source kung bakit kumakalat ang mga paninira kay Nora Aunor. Na dahil nga dumating si John Rendez kailan lang, tinatamad na raw magtrabaho ang aktres at lagi na lang sila ni John ang magkatabi. Kasi nga raw, second shooting day pa lang ng aktres, pack up na agad, gayung isang milyon at kalahati ang gastos dito. Napilitan daw si direk na ‘wag na lang ituloy ang shooting dahil nga di sumipot si Guy.

Pero ayon naman sa paliwanag, di naman daw true yun, nag-report daw si Aunor sa set na napakataas ng lagnat. Kesyo meron pang doktor na tumingin daw dito na nagsabing dapat munang magpahinga ang aktres ng mga dalawa o taltong araw.

Anyway, kumalat nga ang tsismis na balik na sa pagiging pasaway si Nora at pinagbibintangan na rito yung lady scribe na nakadikit sa kanya na siyang nagkakalat sa mga kaibigan niyang reporter.

Heto pang isang intriga, sina Suzette Ranilio raw at si Kuya Germs ay nagbabangayan din dahil nga sa aktres. Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkuwento sa amin na ayaw daw kilalanin ni Suzette si Kuya Germs bilang manager ni Nora Aunor. There is this notion na insecure si Suzette who plays God pagdating sa mga desisyon tungkol kay Ate Guy. “Hindi ko kinikilala si Kuya Germs na manager ni Guy,”state- ment daw nitong si Suzette.

“Wala namang paki si Kuya Germs kung hindi siya kinikilala ni Suzette. Ang sa kanya, concern lang, para nagtatanong lang si Kuya Germs kung saan at kailan ang schedule ni Guy, nagalit na siya, tama ba yun?” sabi ng kausap namin.

Heto ka ngayon, lumalabas na may kinalaman sa pera yung dahilan kung bakit yung ibang nakadikit kay Nora ay aligaga sa ‘pagbaril’ ng ibang mga tao sa paligid. Kumbaga, siraan nang siraan, papelan ang papelan to the point na nag-aaway na nga sila.

“Si Kuya Germs, nais niyang linawin, wala siyang perang hinahabol kay Guy, kahit kailan, kahit na noong unang panahon pa, siya’ng gumagastos para kay Nora Aunor, hindi siya nangungumisyon, tumutulong siya, kaya nga may tiwala sa kanya ang aktres, walang perang nvolved ang samahan nila.

“Ewan ko lang diyan yung iba, ayoko nang magsalita pa, baka naman, komisyon ang hinahabol nila kaya halos nakikipagpatayan na sila para mapaboran ni Nora Aunor,” pagtataray pa ng kausap namin.

Oo nga, matagal na naming kakilala si Kuya Germs and all those years, marami na kaming nakitang tinutulunan niya, walang kapalit na komisyon.

Hindi ba siya nga ang manager ngayon ni Jhake Vargas who is now heading the cast of Tween Academy, Batch of  2012 ng GMA Films. Kumikita nang malaki si Jhake pero hindi bumabawas na kahit na singko si Kuya Germs. Lahat, talaga ng kinikita ni Jhake, sa kanya napupunta.

Nakausap ngan amin noon si Kuya Germs at ayon sa kanya, naaawa siya sa kalagayan ng bata, maysakit ang nanay niya, kaya ayaw na niyang mabawasan kahit singko
para may pantustos sa pamilya si Jhake.

“Hindi po ako nangungimisyon sa mga alaga ko, kaya nga hindi ako kinikilala ng PAMI, dahil hindi raw ako nangungimisyon. Nung unang meeting nila, kasali ako pero nang malaman nilang ako yung tipong di kumukuha ng komsiyon sa mga mina-manage ko, hindi na nila ako isinali. Sa akin okey lang, yun naman ang totoo, hindi ako nangungumisyon sa kanino mang tinutulungan ko.”
So there!

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply