May diabetes pero… kalahating case na beer ang inuubos ni April Boy araw-araw

IN-INTERVIEW ni Korina Sanchez si April ‘Boy’ Regino para i-feature ito sa TV Patrol World na ipinalabas naman kahapon sa naturang news program.

Kung inyong maaalala, dito lang ninyo nalaman (Papak) na dumaan sa isang malubhang karamdaman si April at kamuntik na nitong ikamatay nang magkaroon siya ng sakit na prostate cancer na sinabayan ng highblood at diabetes at itinago siya sa isang ospital sa US para hindi malaman dito sa Pilipinas.

Ang isyung pinag-usapan sa naturang interview ay tungkol din sa nasabing sakit ni Idol, na kung saan dahil sa mga nabanggit na sakit ay nakanta niya nang wala sa oras ang signature song niyang, ‘Di Ko Kayang Tanggapin’. Hahaha!

Alam n’yo, sa tuwing lumalaklak ng kalahating case na beer ang sikat na idol natin ay napapangiwi ang inyong lingkod at gusto natin siyang pigilan dahil may diabetes nga siya, pero wala naman tayong ‘K’ para makialam.

Anyway, kaya naman malakas ang loob ni ng tatay ni JC Regino na tumungga ng beer at lumafang ng mga matatabang pagkain, iyon ay dahil sa herbal medicine na iniinom niya na kung tawagin ay Barley-isang uri ng halaman na matatagpuan sa Europa.

***

Georgina Wilson nagpaliwanag matapos matalakan ng fans ni Paris Hilton

SABI ni Georgina Wilson, hindi naman daw siya masyadong nasabon ng fans ni Paris Hilton at mga tagahanga naman ni PNoy dahil marami din ang nakisimpatya sa kanya kaugnay nga sa pag-tweet niya ng ganito: ‘Why is PNOY taking time out of his ‘busy’ schedule to meet with Paris Hilton tomorrow. So shameful that he doesn’t have better things to do.”

“There are a lot agreeing and a lot disagreeing, and I think they took it in a way that I’m insulting Paris or the President, But it really wasn’t about that,” depensa naman ni Georgina.

“It has nothing to do with me not liking Paris or not. I mean, I’m happy that she loves the Philippines and I think she’s very supportive with Manny Pacquiao and all of that.

“But I also don’t think that it’s necessary for the President to meet her because she’s here on a commercial endeavor,” dagdag pa nito.

Naintindihan natin ang punto ni Ms. Wilson. May tama siya sa kanyang opinyon. Bakit nga naman haharapin pa ito ni President Noynoy kung ang sadya nga lang naman ni Ms. Hilton sa bansa ay ang personal nitong lakad – ang magtayo ng negosyo katuwang si Manny Pacquiao.

Kung pumunta raw dito ang hotel heiress ay dahil sa isang humanitarian reason o kaya para sa kapakanan ng ating mga kababayan, wala raw problema sa kanya.

“If she’s here for, you know, to help with humanitarian causes and all of that stuff, then sure, go meet with her. But that’s just my opinion.”

Tingnan mo nga naman, akala natin pa-party, party lang at pasosyal itong si George, pero concerned din pala siya sa kanyang mga kababayan.

***

Aktor walang takot sa karma

GRABE ang pambababae ng aktor na ito na anak ng mag-asawang dati ring artista. Wala itong pakialam sa mga babaing nasasaktan niya ang damdamin. Ang importante ay natototnak niya ang mga ito.

Giatay!

Ilang babae na ba ang lumuha sa kanyang maliit na ‘notes,’ marami-rami na rin noh? Hehehe!

Isipin nga natin…’yung aktres na malaki ang bibig, tatlong modelo na ang isa ay nasa Kapamilya na, ‘yung isa naman ay nasa Kapuso at ang isa pa ay kontrobersyal ngayon dahil sa kanyang tweet, si morenang aktres na ma-el at marami pang iba. Pero ‘di siya pumasa sa aktresang may korona sa pagandahan dahil knows nito ang kanyang ‘paglaro’ sa babae, huh!

Ang kawawa ‘yung nasa ABS-CBN ngayon na naging live-in partner pa ng mabogling aktor na ‘to dahil pinaasa niyang pakakasalan pero nang mag-show sa isang isla at makakita nang magandang tsik, biglang tinuwaran ang una. Tsk! Tsk! Tsk!

Hinay-hinay lang brod., mahirap na baka katukan ka ni Carmi Martin.

‘Yun lang!

***

Para sa inyong mga katanungan, opinyon at reaksyon, tumawag lamang o magtext sa  #09074582883 at #09351851227 o kaya’y mag-email sa kuya_abepaul@yahoon.com at maari n’yo rin kaming silipin sa aming facebook account, i-type lamang ang aming  pangalan. Mabalos!

loading...

About Thor

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply