May kanser nagbaril sa sarili sa La Union

MAKARAANG hindi na kayanin ang pagdurusa sa kanser sa buto, isang ama ng tahanan ang nagbaril sa sarili sa La Union.

Namatay noon din sanhi ng tama ng bala ng 9mm pistol sa kanang sentido si Reynaldo Valdez, 49, ng Barangay Fernando, Sto. Tomas, La Union.

Nag-iwan ito ng suicide note na nakasaad na kaya ito nagbaril sa sarili ay para takasan ang kanyang nararanasang paghihirap dahil sa kanyang taglay na sakit.

Sa ulat, dakong 3:20 ng madaling-araw kanina nang magpakamatay sa loob mismo ng banyo ang biktima.

Ayon kay Senior Insp. Diosdado Gagaoin, hepe ng Sto. Tomas Municipal Police  Station, bago ang pagkakatuklas sa krimen ay laging idinadaing ng biktima sa kanyang pamilya ang pananakit ng kanyang mga buto sa katawan at ang pinakahuli ay kagabi lamang.

Kaya nang makarinig ng alingawngaw ng putok, nadatnan nila ang biktima na nakahandusay sa sahig ng banyo.

loading...

About Gwenn

You must be logged in to post a comment Login

Leave a Reply